Napapangiwi na bumangon si Amara mula sa hospital bed n'ya. She’s been shot 3 times dahil sa isang grupo ng sindikato na naka engkuwentro nila mahirap talagang ubusin ang sindikato sa Pilipinas kahit anong bunot mo sa mga ugat patuloy pa rin tutubo at tutubo.
Ilang beses na bang nalagay sa panganib ang buhay n'ya dahil sa mga pagtugis sa mga sindikato. Ang pinaka malala yung nangyari noon when Amethyst save her akala n'ya katapusan na ng buhay n'ya bago pa lang s'ya noon sa underground hindi pa s'ya bihasa na sumayaw sa gitna ng umuulang bala. Then amethyst came to the rescue and use her body to protect her alam nilang parang iniiwasan na patamaan si Misty ng gabing iyon pero sa dami ng balang lumilipad imposible hindi rin ito tamaan.
She was pregnant at that time pero sinugal pa rin nito ang buhay para sa kanya. Kaya naman ng makuha ito ng mga kalaban kitang kita pa n'ya ng kunin ito bago mag dilim ang paningin n'ya. She was so weak back then siguro kung kasing galing lang s'ya ni Amethyst that time baka buo sila. She was her idol kaya masakit sa kanya na nawala ito she was only 23 back then well-trained in hacking ang pinaka forte n'ya. Dumating noon ang maraming taga rescue team sinubukan pa n'yang bumangon ng balikan agad s'ya ng malay she wanted to run after her pero pinigilan s'ya ng lalaking nag lalapat sa kanya ng 1st aid. Sandali n'yang tiningnan ang lalaki at nagulat talaga s'ya. It was Zian 'di n'ya alam kung nag hahalucinate ba s'ya ng gabing iyon pero ng mag salita ito tuluyan na niyang napagtanto na hindi hallucination ang binatang nasa harapan niya.
“I finally found you.” iyon pa ang sinabi nito bago s'ya muling nawalan ng malay. After that night lagi na n'ya itong nakikita. Ayaw s'yang tigilan he thought she was Tamara. Sinabi na n'ya rito na kakambal n'ya si Tamara at 'di n'ya alam kung nasaan pero ayaw nitong maniwala. Sa kagustuhan n'yang makalayo kay Zian she accept the mission being Brent’s girlfriend, during that time bago lang si Brent sa ahens'ya. Sumali ito at talagang sumailalim sa matinding training para lang makatulong ito sa paghahanap kay Misty dahilan para makaramdam siya ng matinding inggit kay Misty ayaw man niya pero hindi niya mapigilan. Napaka suwerte ni Misty dahil nagawa nitong patinuin ang isang matinik na playboy at ibang klaseng magmahal si Brent tunay talaga yung kasabihan na kapag ang playboy ang nagmahal kahit asin lalanggamin.
Then because of their mission she found herself falling in love with Brent. Sinubukan n'yang pigilan pero dahil sa kakulitan ni Zian. Sobra s'yang nasaktan noon dahil kay Zian at hindi na n'ya ulit kayang masaktan pa para ulit sa iisang tao si Tamara ang mahal nito at hindi n'ya gustong maging panakip butas lang but sad to say parang ganun din ang naging status n'ya kay Brent. Panakip butas lang habang wala pa si Misty pero at least alam n'ya dahil mission nga nilang mag panggap na may relasyon at malinaw naman sa kanya na wala talaga s'yang pag asa kay Brent. Kaso 'di talaga n'ya mapigilan mahulog rito at gustuhin na mapasakanya.
Nagpakababa s'ya nakipag kompetensya kay Misty ng bumalik na ito. Hindi miminsan na dinalangin n'ya na sana wag na itong bumalik na sana s'ya nalang ang mahalin ni Brent at handa s'yang tumayong ina sa mga anak ng mga ito pero sadyang malupit sa kanya ang tadhana. Akala n'ya binigyan na s'ya ng pag kakataon ng langit na maging kanya na si Brent ng magka amnesia ito. Ginawa na n'ya ang lahat naging kabit s'ya sa paningin ng lahat kinasuklaman ng mga kaibigan n'ya. Hiyang-hiya din s'ya kahit sa mismong sarili n'ya dahil sa ginawa n'ya kay Misty.
Pikit matang minahal n'ya si Brent. Ilang beses n'ya binalak na isuko kay brent ang pa******e n'ya at wala na s'yang pakialam sa sasabihin ng iba. Alam n'ya na oras bumalik ang alala ni Brent para s'yang basurang itatapon ni Brent kaya habang s'ya ang naalala ni Brent sinamantala n'ya iyon ngunit mukhang nabura man ang alala ni Brent. His heart protected his mind not to hurt Amethyst. Brent is no longer capable doing s****l activity. Alam n'yang gustong gusto nito ilang beses na din ba s'yang pinaligaya nito sa kama sa mga make out sessions nila pero she was still a virgin dahil Brent’s p***s is not responding kahit anong gawin nila.
She was frustrated kaya nag inom s'ya at nag pakalasing ng mag isa pero nagawa pa rin naman n'yang makauwi sa condo n'ya. Ngunit Zian shown up sa mismong condo galit na galit ito dahil nalaman nito ang tungkol sa kanila ni Brent at sa pagiging kabit n'ya. Nag away sila pilit n'yang ipinaiintindi rito na hindi nga s'ya si Tamara humihingi ito ng proof na iharap n'ya sa kanya si Tamara pero paano n'ya gagawin iyon e daig pa ng kapatid n'ya ang kabuti. Ilang beses na ba itong nagpanggap na s'ya at humarap kila Misty si Tamara ang dahilan kung bakit nag ka amnesia si Brent.
Pinag bigyan n'ya ito noon na mag panggap na s'ya. She wanted her to vanish dahil galit ito sa kanya ito rin ang dahilan kung bakit s'ya na aksidente. Dinala s'ya nito sa isang lumang bahay at kinulong kung tutuusin madali para sa kanya na makatakas simpleng simple but she chooses to hide pero kinailangan n'yang lumabas ng dumating si Diamond. She hates him at first pero nakita n'yang hindi pala ito sadyang masamang tao dahil kung masama itong tao wala itong pakialam sa kanya at 'di s'ya para hanapin at balikan nito ng tulungan n'ya itong makatakas noon kay Tamara.
Sumama s'ya kay Diamond pagtakas para tulungan ang mga kaibigan n'ya sa isang ambush na ginawa ng tunay na Quatro. Nagtagumpay sila but Tamara shoots Brent from behind walang proof na si Tamara pero malakas ang kutob nilang lahat hanggang sa nawala nanaman itong parang bula. Pinag bantaan s'ya ni Zian na layuan si Brent kung ayaw daw n'yang magkagulo gulo sila. Hanggang sa trabaho n'ya ginugulo s'ya nito daig pa nito ang anino sa pag babantay sa kilos n'ya. Then one-night dala ng kalasingan nga nya. Na isuko n'ya kay Zian ang watawat ng karangalan n'ya and to make it worst she got pregnant dahil sa pang yayaring iyon mas parang nabaliw si Zian sa kasusunod sa kanya. Binalak pa ni Zian na mag apply for an agent at gagamitin nito ang military position nito para makapasok.
Kaya gumawa s'ya ng paraan para tumigil na ito binalak n'yang ipaako kay Brent ang baby n'ya pero talagang kahit burado ang alala nito kay Misty pa rin ito bumalik at bigla parang na itsapuwera nanaman s'ya. Pakiramdam n'ya durog na durog na ang puso n'ya. Una kay Zian ngayon naman kay Brent. Then Tamara shown up again pagod na pagod na s'yang masaktan. Nakita n'yang nag hahalikan ito at si Zian sa loob ng kotse ng binata. Naka ibabaw ang kakambal n'ya rito so she run at nawala sa isip n'ya that she’s pregnant back then and hit by the car.
After she lost her baby at magising sa hospital. She became different person malayong-malayo sa Amara na napaka hopeless na parang nanglilimos ng pag mamahal. She’ hated man lalo na yung mga lalaking nag paparamdam ng interest sa kanya. Kota na s'ya sa mga klaseng lalaki masyado kasi s'yang assumera kaya graduate na s'ya sa pagiging tanga sa pag mamahal ng isang lalaki. Si Diego, Daniel at Rodney na lang ang mga lalaking kinakausap n'ya ng maayos bukod sa kanila wala ng iba kahit ang mga ito naramdaman ang pag babago n'ya.
Sumabak ulit s'ya sa mas mabigat na training wanted to gain a rank tulad ni Misty. Hindi na ito pinayagan bumalik sa service ni Brent. Taon-taon binubuntis ito ni Brent para walang dahilan para makabalik pa si Amethyst sa ahensya . Ilang beses n'yang gustong makipag usap kay Amethyst at personal na humingi ng sorry rito pero inaabot s'ya ng hiya. Ang alam n'ya bumalik na ang alala ni Brent kaya mas lalo na s'yang na hiya mag pakita sa dalawa. Kahit pinipilit s'ya ng mga kaibigan 'di pa talaga n'ya kaya kahit maraming taon na ang lumipas. She cause a lot of trouble after siyang iligtas ni Misty nagawa pa niyang makipag agawan ng lalaki rito. Buhay siya dahil rito pero ano ang isinukli niya sa kabutihan ni Amethyst.