Si Hayarah Samaniego ay anak ng isang milyonaryo. Labis na umiibig kay Jared Nicasio, anak ng kumpare ng mga magulang ng dalaga. Partner ang kanilang mga magulang sa lahat ng bagay lalo na sa negosyo kung kaya't palagi silang nagkikita. Ngunit si Jared ay may ibang iniibig at handa na sana itong lumagay sa tahimik. Kaya lang ay hindi pumayag si Hayarah, gumawa ito nang isang hakbang upang hindi matuloy ang kasal. Mababaling kaya ang pag-ibig ni Jared kay Hayarah? Maaangkin kaya ni Hayarah ang puso ni Jared o pagdudusahan niya sa tanang ng kanyang buhay ang maling kanyang nagawa?