Pinupunasan ko ang paborito kong baril na matagal ko nang hindi nagagamit, kailan ba nung huli akong sumabak sa laban? Mukang matagal-tagal na rin, natatandaan ko pa iyung lalaking si Trevor na isa sa pinagkakatiwalaan tauhan ni Charley sa illegal nilang produksyon ng ipinagbabawal na droga at ilegal na mga armas, siya ang huli kong nakaharap nung huling misyon ko sa negosasyon nila. Napangisi ako sa isiping si Stefan ang magmamana nang lahat ng legal at ilegal nilang negosyo. Hindi rin nagiisip si Stefan, kung ano man ang dahilan kung bakit niya 'ko pinoprotektahan at pinanatiling lihim ang mga nalaman niya tungkol sa 'kin ay hindi na 'yon importante pa dahil kahit ano pa man tanggi niya, malinaw namang hindi lang pagnanasa ang nararamdaman niya para sa 'kin. Napadako ang tingin ko sa p