Nagising ako na halos lunch time na, pagtingin ko sa tabi ko wala na si Stefan ngunit bukas ang pinto ng silid ko kaya amoy ko mula rito ang mabangong amoy ng niluluto na pagkain mula sa kusina. Is he cooking? Bumangon ako na walang ni-isang saplot sa katawan, tumungo ako sa malaki kong closet at binuksan ang maliit na drawer para kumuha ng bagong underwear at kumuha na rin ako ng oversize Tshirt at agad na isinuot. Lumabas na 'ko ng silid at tumungo sa kusina, naabutan ko si Stefan na abalang naghahanda ng mga pagkain sa dining table. "Good afternoon, have a seat and let's eat," bati niya na may paanyaya sa 'kin nang makita ako. "Pinakialaman ko na ang kusina mo, para paggising mo may kakainin ka na," dagdag niya pa na ikinatango ko. "Marunong ka pala magluto," puna ko nang makaupo n