MATAGUMPAY sa negosyo si Warren Buenavista—trabaho ang mahalaga sa kaniya at wala ng iba pa.
Mas nais siyang patunayan sa buhay niya lalo na sa kaniyang sariling mga magulang na walang bilib sa kaniyang kakayahan, kaya mula noong nagbibinata pa lamang siya lahat ng makakaya ginawa niya hanggang sa maabot ang kaniyang mga pangarap.
Hindi naman nabigo si Warren nang sa murang edad nagkaroon agad siya ng kompanyang matatawag niyang kaniya ang malaking plantasyon ng tubuhan sa Negros ay napasakamay niya. Dahil na rin ito sa pagsisikap at tiyaga ni Warren—ngunit sa kabila ng pangarap niyang naabot ay ang tuluyang pagtanggap niya sa kaniyang kapalaran sa usaping pag-ibig.
Hindi nagawang magmahal ni Warren, para sa kaniya abala lamang ang mga babae sa nais niyang abutin.
Hindi naniniwala si Warren sa tadhana, wala siyang pinaniniwalaang kahit na ano. Para sa kaniya ang babae isa lamang panggulo—laro lamang.
Ngunit paano kung sa isang gabi may panyong may nakapangalang Natalia ang nagpagulo sa kaniyang mundo?
Hahanapin niya ba ang nagmamay-ari nito o hahayaan na lamang ang isang gabing nagkamali sila pareho?