Chapter 1
"Lumaki ako sa pamilyang may taglay na karangyaan. I can easily get everything what I want. Branded clothes, new model ng car, laptops at cellphones. I'm also a social media influencer and as an another advantage it also brings me fame. But not every things goes permanent. Unfortunately, due to my irresponsible doings on social media as it causes a huge chaos and bad reputation to my family. My parents decided to sent me on a province. Kung saan gusto nila na ma disiplina ako at mapalayo na din sa mundo ng internet. Nag decide sila na ipadadala ako sa probinsya ng yaya Milda ko ang lugar kung saan walang kahit anong internet at malayo sa buhay kong kinagisnan. "
************
"Buo na ba talaga yung desisyon niyo Maam para kay Maxine?" naninigurong tanong ni Milda habang iniimpake nito ang mga gamit sa sasakyan.
"It is the only thing to keep my daughter away from the world of technology. Masyado na syang exposed sa social media. I want her to discipline her self. She also created a huge chaos to the family kaya tama lang na mabigyan din sya ng disipilina," malumanay na sagot ni Mrs. Divina.
It's already 7 AM pero maaga pa lamang ay naghanda na silang mag impake ng mga gamit. Medyo malayo pa kasi yung byahe kaya mas minabuti nalang nila na mas maaga pa lamang ay nakahanda na lahat.
It's a three months vacation at tamang-tama din bakasyon ni Maxine. It's a good timing na din so she can adjust herself and to settle muna sa lugar ng kanyang yaya Milda.
"Teka lang nasaan na nga ba si Maxine?" pahabol na tanong ni Mrs. Divina
"Parang andun pa po ata sa room niya Maam!" sagot naman ni Mang Bob habang tinutulungan ito sa Milda sa pag-iimpake ng gamit kasama na din ang iba pang mga katulong.
"Ganun ba? sige I will try to go upstair to call her. Tsaka tapusin nyo nalang ang pag-iimpake dyan ha. Para pagkababa namin ay nakahanda na lahat and there is no need to rush on anything".
"Sige po Maam!" "Sige Maam, kami na po ditong bahala," sabay na sagot nina Milda, Mang Bob at iba pang mga katulong.
Maxine POV
I don't even know what should I feel. Di ko kayang manatili doon. Parte na nang buhay ko ang social media at isa ito sa mga bagay na nakapagbibigay sa akin ng kasiyahan. Malaking kawalan ito sa aking kaligayahan lalong-lalo na't napamahal nako sa ganitong bagay. Pero baka tama nga din yung parents ko, I will need to keep away from social media for a reason na ma didisiplina ko ang aking sarili. Masyado nakong exposed sa social media kaya nga I made something mistakes here and so as a result, I need to move away. So now, I will need to prepare myself because it is a big challenge for me on how to adjust myself to a new lifestyle...
"Tok! Tok!"
"Maxine! Anak? Halika kana naghihintay na si Nanay Milda sayo sa labas at para sa ganun ay maka byahe na kayo," wika ni Mama na may halong pag-aalalang boses habang patuloy itong kumakatok sa pintuan.
"Susunod na po ako Ma, di pa po ako tapos magbihis, tatapusin ko lang po ito," pero ang totoo talaga niyan ay hindi pako handa. Kanina pako nakabihis pero andito parin ako naka-upo saking kama. Tsaka nilulubos ko nalang din ang huling sandaling makasama ko ang aking room.
Hindi parin tumigil sa pagtawag sakin si Mama sa may pintuan kaya dali dali na akong tumayo sa aking kinalalagyan. Pumunta na ko kay Mama para buksan ang naka lock nitong pintuan.
"Ma, diko kakayanin to. Bakit ito pa. There is another way naman diba?" tanong ko kay Mama habang nakikita ko sa kanyang mukha na may bahid ding pag-aalala.
Hinawakan ni Mama ang dalawa kong kamay. "Nak, it's all for your good. You just have to quarantine in a place where you can learn to discipline yourself and also it keeps you away from the toxic world of media, " ani ni Mama na sinabayan niya ng kanyang pagyakap.
"I'm sorry Ma for what I've done to you and to Dad. I don't even know na masasali din pa po pala kayo sa ganitong issue, " sambit ko habang tinatamasa ko ang mahigpit ko ding pagyakap kay Mama.
"You know how much we love you nak. We felt so sorry also that we made this decision for you. But I know this decision have also a good reason." Kinakapa-kapa niya ang aking mukha dahilan ng pagtulo ng kanyang luha.
"Tara na sa baba at kanina pa dun nag-aantay si Nanay Milda sayo!" wika ni Mama.
My parents is a well-known dermatoligist sa bansa kaya ganun nalang nga siguro ang pagiging protective nila sa akin. Kasi nga kung ano yung mga ginagawa ko at pinapapakita kong attitude sa harap ng camera it also reflects to their profession knowing that they are my parents. But I've already done a mistake. So this is the right decision na din para ma disiplina muna ako...
"Ring! Ring! Ring!"
"Baka ang daddy mo na to!". Kinuha ni Mrs. Divina ang kanyang selpon na naka lagay sa kanyang bag.
"Yes hon, tapos na silang nakapag-impake dito at baka sa ganitong oras ay ihahatid na sila ni Mang Bob," wika ni Mrs. Divina habang kinakausap niya ang nasa kabilang linya.
"Pwede ko ba munang maka-usap si Maxine?" ani nito sa kabilang linya.
"Oh sige hon!". Ibinigay ni Mrs. Divina ang phone kay Maxine ayon sa hinihiling ni Mr. Eduardo.
"Nak, mag-ingat ka don ha. It is all for your good na din. At tsaka I am sorry if I am not there. Busy lang ang dad mo. Marami pa akong tatapusin dito. Kaya paalala ko lang sayo na wag mong painitin ang ulo ng nanay Milda mo. You have to learn and adopt their lifestyle. Magpapakabait ka don nak ha. I love you!" saad ni Mr. Eduardo kay Maxine na may halong boses ng pagpapa-alala.
"Yes dad," maikling tugon ni Maxine sa kanyang daddy na nasa kabilang linya.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bigla ding naputol ang kanilang linya. Nagsimula na silang bumyahe patungong probinsya. Kung saan ito din ang simula ng panibagong journey ni Maxine!