bc

A Moonlight Wish

book_age16+
905
FOLLOW
4.6K
READ
love-triangle
possessive
time-travel
submissive
billionairess
sweet
bxg
heavy
mystery
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Moonlight Trilogy #1 | Tagalog | Completed

WARNING!!! PWEDE KA RITO KUNG 16 AND ABOVE KA AT MASELAN KA SA SPG. APIR TAYO DYAN. IIYAK KA NGA LANG DITO. I WARNED YOU. KUHA KA MUNA NG TISSUE.

BLURB

Tigress Chairwoman of Trece Fernandez, iyan ang kilalang tawag kay Celine Torres sa elite circle. But this tigress is always unloved. Dahil sa torture na nararamdaman niya sa piling ng kanyang asawa na si Curt Christian Fernandez, hiniling niya sa harap ng Super Moon na ibalik siya sa panahon na hindi niya pa nakikilala ang kanyang asawa. Nang makabalik sa panahon ay nakilala niya ang diyos ng buwan na si Bulan, ang tumulong sa kanya.

Maraming problema ang biglang umusbong. Isa na doon ang muling pagkikita nila ni Josh Vallejo, ang dati niyang crush. Umamin si Josh sa kanyang tunay na nararamdaman para sa kanya, ganoon din si Curt na sinusuyo rin siya.

Maraming sikreto ang mabubunyag tungkol sa pagkatao niya at sa dahilan kung bakit siya nilapitan noon ng kanyang asawa.

Sino kaya ang pipiliin ni Celine: si Curt o Josh?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Celine's POV December 7, 2020 Unang pagtapak ko pa lang sa malawak at magarang istruktura ng Trutz Building, lahat ng empleyadong nakauniporme ng gray ay nagkumahog na pumwesto at nakayukong sinalubong ang pagdating ko. Ang Trutz Building ay ang main office ng Trece Fernandez Group kung saan ginaganap ang board meetings ng lahat ng stockholders. Hinawi ko ang tuwid at maiksi kong buhok na hanggang leeg kasabay ng pagtanggal ko ng black shades ko. My lips formed a polite smile while standing confidently in front of them. My peach buttoned long coat glistened by the chandeliers above the ceiling of the lobby section. Isa-isa kong tinapunan ng tingin ang mga empleyado na nakaabang sa akin. Inusisa ko rin ang nasa paligid at nadismaya sa nakita. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at sumenyas sa body guard ko sa aking gilid. Agad naman itong lumapit at naghintay na magsalita ako. "Get the list of the employees who worked on the surroundings. Fire them. Nakakahiya sa board members and stockholders," utos ko sa kanya. Tumango naman ito bilang tugon. Nakita ko pa ang gulat na mga mukha ng mga takot na empleyado bago ko ibinalik ang pagkakasuot sa aking sunglasses. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa VIP elevator kasama ang dalawa ko pang bodyguard. Sa 5th floor ang bagsak namin kung saan ginaganap ang meeting. Nakita ko na ako na lang ang hinihintay ng lahat. Actually, they didn't want to wait for me. They started everything without my presence, their chairwoman. Napapikit ako dahil sa tinatago kong inis. "Shall I stop them, ma'am?" tanong ng isang body guard ko sa kanan. "No. Let them spill their milk about me. That way I can address their concerns," malumanay kong sagot na ikinatango naman ng una. Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanilang mga usapan at naghihintay ng tamang tiyempo para pumasok as my grand entrance. My long fingers tapped impatiently on my arms while crossed on my chest. My breathing was even but a bit shaky because of annoyance of the voices I heard inside the meeting room. The lunatics even have the gut to speak about me without thinking I'm on my way. Hindi man lang ba sila nahiya sa mga balat nila? "Why should we wait for her final decision? Can't you see that she's incompetent enough not to trust her with our money?" "Watch your language, Mr. Uy. You're talking about Miss Celine Torres, our chairwoman. She's the wife of Mr. Curt Christian Fernandez, the CEO! She has gone through a lot with Trece's achievements and challenges against Socrates Corp." "To hell with that! Dahil sa kanya, malaki ang naging lugi natin. We're one of Trece's biggest investors. Nauungusan na tayo ng kabilang kumpanya dahil sa mga hindi importanteng inuuna niya. She shouldn't be acting as if wala lang lahat ng in-invest natin. This is insanity para pumayag sa gusto niyang bilhin sa bidding ang Weinz Corp. With our f*****g money! Weinz is not even worth it!" Iyon ang mga narinig kong daing nila mula sa loob ng meeting room. The argument went on until I could compose myself. I have to act normal. I breathed in, smiled and opened the door swinging it hard using my right hand. Narinig ko ang namayaning katahimikan sa loob nang makita nila ako. Nakaplastada pa rin ang ngiti sa labi ko, saka nag-umpisang magsalita. "Good morning, gentlemen. I suppose tapos na kayong mag-meeting nang hindi ako kasali? Perhaps it's my turn." Pumwesto ako ng pagtayo malapit sa aking upuan bilang chairwoman of the board, saka nagsalitang muli. "You know well how the merge of Weinz and Trece will surge an increase of our income and dividends, and it's clearly understood that the majority of this board has already supported the decision. I will no longer repeat the numerous benefits we'll get after we acquire Weinz because that's such a nuissance to all of us. A waste of money, time, effort and brains if we still have time to rant but don't have time to think of the positive sides of this project. "Now, since you're so busy talking behind my back, why don't we get straight to the point? Let's have a votation again. If you don't want to be an investor in Trece anymore, please raise your hand." Narinig ko ang mga gulat na reaksyon ng iilan sa mga tao na nasa loob ng board meeting. Nagkatinginan ang iba at ang iba naman ay nagbubulungan. "You're not going to jeopardize Trece with your incompetent skills, Torres!" Isang sigaw ang sumingit sa nakabibinging pagtatalo sa loob. Napaharap ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita na nanggaling ito kay Mr. Nathaniel Uy. Siya ang boses na narinig kong umaapela. I've known Mr. Uy for quite a while ever since I got here. He was the anti-wife and an anti-Trece. He was overpowering the former CEO just because he's one of the biggest stockholder in the company. Ever since I got my position, he had a hard time coming into the minds of the Fernandezes. I was the one to really bully even the investors for overpowering the very people who struggled for this company. I made them see their real positions. "Please raise your hand if you're in favor of withdrawing your investments in Trece," pag-uulit ko nang may halong diin sa pananalita. Nanatili akong nakatitig sa namumulang mukha ni Mr. Uy habang nakangisi. Nang makitang natigagal ang kausap ay humarap ako sa kanilang lahat. Alam nila ang ugali ko bilang isang tigresa. I don't joke around them. I meant every word that I said. "What Trece Fernandez Group needs is a compentent and a real entrepreneur, not a howling coward who's running back to his cave. We have what it takes to claim Weinz without all of your money. I'm not going to convince you, Mr. Uy, to invest further if that's what you want. "I will not say this if it's not the majority's decision as well. I've respected all of the decisions we all have agreed upon since the day I seated here as your chairwoman. Please, let's stay that way. Is that clear?" "Yes, chairwoman." They replied in chorus. I smiled my cunning smile to all of them. Ilang minuto ang dumaang katahimikan bago ulit ako nagsalita at binuksan ang laptop na nakakonekta sa white screen sa harap namin. "Here is the plan for Weinz. Anything we need is right here..." *** Matapos ang meeting ay sumakay na ako ng sasakyan. Nag-scroll ako sa phone pero ni isang tawag ay wala akong natanggap. Ano na kaya ang ginagawa niya? I sighed. I have an idea. I should probably find a nice place for this very special day. Masaya ako ngayon so I should share this little achievement of mine to hi​​​m​. Nag-scroll ulit ako sa phone at napangiti sa nahanap. I hope this time we could have a quality time together... Ilang linggo na kasi kaming hindi nagpapangita ng asawa ko. He's always on a business trip. He's busy with the expansion of Trece Fernandez Group sa Argentina that I could no longer phone him overseas. I could only have the time to see his activities on IG. Nagpo-post kasi doon ang secretary niya sa mga kaganapan doon. If I phone his secretary, she would only say he's busy at the moment. Ngayong nabalitaan kong nakalapag na siya sa Manila ay gusto ko siyang yayain. I got to the restaurant 5 minutes earlier than expected. Nag-order muna ako ng isang basong wine at inabala ang sarili sa pagtingin sa IG ng asawa ko. I saw the captures of his face. Napangiti ako dahil doon. He never fails to make me smile. Kahit saang anggulo ay napakagwapo nito. He's become more manly than his first recorded image in my mind 3 years ago. Na-miss ko na ang unang araw na nagkakilala kami. A few minutes followed and I received a pop-up. 'Babe, sorry. Can't join you for dinner.' Buntonghininga ang ginawad ko matapos mabasa ang text ni Curt, ang aking asawa. Nilapag ko ang kubyertos na kanina ko pa hawak sa puting mesa. Naubos ko na rin ang red wine na in-offer sa akin ng waiter. Wala akong ibang naririnig kundi ang malumanay na kanta sa loob ng restaurant na iyon. Isang nakakalungkot na kanta. Walang ibang tao ang nandito kundi ang dalawang body guard ko at ang waiter. Nirentahan ko kasi ang buong lugar para 'sana' sa dinner namin ni Curt, but unfortunately wala na naman siya. Isang lalaki ang lumapit sa aking table. Nakasuot ito ng black tux at naka-gel ang maitim na buhok. "Ma'am, ipinagbilin po ni Sir Curt na ihatid-" Itinaas ko ang aking isang kamay, senyas upang tumahimik ang lalaki, isa ito sa mga body guard ko. Mahina akong tumawa at pailing-iling. "Don't bother. I get it. Ihatid n'yo na lang ako and get lost. Don't talk to me." Mabilis akong nakatayo at isinukbit sa braso ang mamahalin kong signature bag. Pagkarating sa bahay, naglagay na naman ako ng wine sa kopita at saka uminom. Nakailang lagok din ako bago napabuntong hininga. Habang tumatagal ay pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak ko sa kopita. Hanggang sa napaiyak na ako at ibinato ang ito sa sahig. Napatitig na naman ako sa ipinadalang litrato sa akin. Nakalagay 'yun sa mesa. It was Curt laughing with a famous actress. That was captured after he texted me to have dinner all by myself. Ayoko pang mag-conclude kung may mas malalim pa silang ginagawa bukod sa magngitian sa sofa dahil wala pa akong ebidensya. It was a suicide by just looking at it, at hindi ko rin maintindihan kung bakit hinahayaan ko lang na mangyari iyon. The circle calls me the fierce amazona. I never forgive whenever I see petty things in the company. Lahat sila ay kinatatakutan ako. But all I am is just a mere shadow of a Fernandez. Curt's shadow, to be precise. Sa harapan ng maraming tao ay isa akong mabangis na tigre, pero ang totoo ay isa akong masokista. All the world will laugh at me oras na malaman nilang mahina ako pagdating kay Curt. I never corrected nor complained about his actions toward me. Looking at his genuine smile in the picture makes me feel very incompetent. All I felt was loneliness. Parang dinudurog ang puso ko habang nakatanaw sa picture na iyon. How could he give that actress a smile?! Para akong nadaya. All throughout my three years of marriage life, Curt Christian Fernandez never smiled at me. He never gave me a loving gaze. He could just effortlessly send flowers and then ditch me at dinner. He has given me all the things I never had: a luxurious life and fame. Lahat ng gusto ko ay nagagawa ko. That's how to live a life with a multi-billionaire business tycoon like Curt. But I never had his love. I never had the courage to scold him. Wala akong ibang ginawa kundi ang magparaya at magpatawad. Literal na umiikot ang mundo ko sa kanya. He's all that I've got. Ni ang tapunan ako ng tingin bilang isang babae ay hindi niya nagawa sa akin. He's very good at getting away and leaving me behind without saying a word. Sa totoo pang sabi, hindi ko siya pagmamay-ari. I was put here only to make his entrance as the new CEO of the company. Nothing more, nothing less. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Pabagsak akong umupo sa sahig. Hindi ko na ininda ang repleksyon ko sa tiles, kalat-kalat na ang eyeliner ko sa mata pati na ang lipstick ko. Isama pa ang magulo kong buhok. "Curt, bakit paulit-ulit mo akong sinasaktan?" bulong ko sa sarili, as if maririnig niya ang tanong ko. As if masasabi ko talaga iyon sa harap niya. I'm no fighter. Hindi ko kayang itanong iyon sa kanya. Bawat alaala niya ay isang masakit na pagpunit sa puso ko. How did I even get here? Probably, it was because of my ambitious goals in life. It was probably because of it that I'm tied down, uncomplaining. Napatanaw ako sa bintana at nakita ang magandang super moon sa langit. Ayon sa balita, may Pink Wolf Moon na lilitaw ngayong araw. It is a sight I need to see. Matagal-tagal na rin ang huling paghiling ko sa harap ng buwan. Mapait akong napangiti at napaluhang muli. "Sana pwedeng ibalik 'yung dati. Sana hindi ko na lang nakilala si Curt. Sana bumalik na lang ang dating buhay ko," hiling ko sa buwan, as if maibibigay talaga nito ang gusto ko. Nang mapagod ako sa katatanaw ay minabuti kong humiga sa sahig at pumikit. May tumakas pang luha sa mga mata ko at dumaloy sa punong ng tenga ko. Hindi ko maiwasang mabalikan ang nakaraan, when we were just strangers to each other. Sa bawat paghinga ko, unti-unting umuurong ang alaala ko pabalik sa dati... It's like watching a movie and hitting rewind. Umuurong ang lahat mula sa paghiga ko sa sahig, sa pagbasag ko sa wine glass, ang picture, at ang pagpunta ko sa restaurant. Naging mabilis ang pag-rewind sa mga alaala at napatutok ako sa araw na ikinasal kami ni Curt sa simbahan. Napunta sa eksena noong normal pa ang lahat. Doon ay huminto na ang pag-rewind hanggang sa nakawin na ng antok ang buong kamalayan ko... Napabangon ako mula sa pagkakahiga habang sapo ang aking ulo. Napangiwi ako sa naramdamang sakit doon. Mukhang tinablan ako ng kalasingan. Pero sa pagkakaalam ko ay hindi naman ganoon karami ang nainom kong red wine. "Celine! Celine! Punyeta ka. Nasa'n na 'yung benta ko rito?!" Napaigtad ako at awtomatikong napamulat ng mata dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Nagtaka ako nang makita ang lumang kwarto ko na napupuno ng maraming damit na nakalagay sa sira-sirang basket. Nagsimula nang dumagundong ang t***k ng puso ko. "Wait... is this for real?" Nanlaki ang mga mata ko at napailing. "No. No. This is not real. None of these are real. No. Hindi. Hindi 'to totoo." Huminga ako nang malalim at pumikit. Naghintay ako ng limang segundo bago ulit dumilat. Pagmulat ko, nakatanaw na ako sa sira-sirang kalendaryo na nakasabit sa kahoy na pader. It says December 2017. Napatakip ako ng bibig sa sobrang pagkagulat. 'Oh no! For real? Am I reliving the old days?' Doon ay may sumagi sa isip ko, ang dahilan kung bakit ako napunta rito... "Sana pwedeng ibalik 'yung dati. Sana hindi ko na lang nakilala si Curt. Sana bumalik na lang ang dating buhay ko," hiling ko sa buwan, as if maibibigay talaga nito ang gusto ko... Mariin akong napapikit nang maalala ang walang kakwenta-kwentang wish ko na 'yun sa harap ng buwan. But how? Paano nangyari na napunta ako rito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
92.6K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.6K
bc

The Sex Web

read
151.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.4K
bc

Stubborn Love

read
100.2K
bc

SILENCE

read
386.6K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook