Rampage Angels✓ "The most beautiful thing you can wear is confidence" ? Heather's POV Gabi na ako pumunta sa Bar, iyong ayos ko kanina ay ganoon pa rin, pagkatapos kong makipag-meeting kay Madam X ay dumeretso na ako sa room, lutang ang isip hanggang sa gumabi na kaya naisipan kong pumunta na lang sa Bar Parang gusto kong sulitin ang araw na ito habang nasa Demoirtel pa ako. Naiinis ako kay Myles! Kay Myles ba talaga? O sa sarili ko? Pagbaba ko galing 3rd floor ay dumeretso ako sa Resto, pumasok ako sa loob, napansin ko kasi kanina na may pintuan doon patungong Bar. Puwede ka rin palang dumaan sa loob. Pagpasok ko pa lang ay umalingawngaw na ang malakas na disco sound, pati ang mga disco lights na tila isang dancer na paikot-ikot ay sumasabay sa tugtugin. Iba't ibang kulay na umiik