CL POV Pasaway na lalaking yun, aishh! Kakainis kung bakit naman of all places dito pa kami Napasok, kakapili ng kakapili kung saan kami maaasign tapos dito pa talaga kami napunta. Destiny nga talaga ata kung kaya dito kami naasign ni Aya. Siguro nga kailangang harapin ko ang problema ko at hindi takasan. Kunsabagay sa pag iwas ko na sana nun hindi na kami magkita parang tinakasan ko lang din ang problema ko. Akala ko di na talaga kami magkikita pa or mga ilang taon pa muli bago mag krus ang landas namin, ang kaso ilang buwan pa lang eto na nagkita na agad kami. Anong gagawin ko nito kapag nalaman sa bahay ang kasal ko. patay ako kay daddy nito. Siguradong maraming sasabihin ang mga relatives ko na bad things about me. Super sa nega pa naman ang karamihan sa relatives ko. Lalo na pagdat