CHAPTER SEVEN Mabilis lumipas ang araw. Hindi ko nga lubos akalain na Lunes na pala. Tulog pa sina mama at umalis na daw si papa agad sabi ni Elijah kasi may maagang pa meeting ang boss nito. Ako naman tong agad na kumilos kaagad kasi baka bigla agad akong sunduin ni Jameson. Gusto ko ako yung maghihintay sa labas kaysa ako yung hinihintay. Tsaka baka bumusina siya tapos macurious tong si Elijah at sumilip sa labas. Walking distance lang kasi ang school ni Elijah at mamaya pa daw 7 ang pasok niya e ako na malayo ang school at may susundo? Need kong magmadali. 6:30 na at nagsasapatos na ako. Buti nga nadikitan ko pa yung sapatos ko, nasira kasi to nung biyernes kakatakbo ko kada classroom. Naligo naman na si Elijah kaya kinuha ko na ang bag at callphone ko. Bigla namang may bumusin