"Be careful," mahina niyang sabi nang kamuntikan na akong matisod sa pagkakahapit niya. Lupaypay na ang buong katawan ko nang makapasok kami sa isang silid. "W-where are we?" Pikit-mata ko siyang pinagmasdan sa tabi ko. Alalay niya ako nang sa ganoon makalakad ako ng maayos. Hindi ko na nga ramdam na wala na pala akong suot na heels. "Room..." baritono niyang sagot. Pinagmasdan niya ako sandali. Umigting ang ugat sa kanyang leeg nang ngumisi ako sa kanya. "Aangkinin mo ako rito?" tanong ko sa nalalasing na tinig. Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin. Suminghap ako nang wala akong sagot na makuha. Hinarap ko siya bigla. Binalikos ang dalawang braso sa kanyang leeg saka ko siya tiningnan sa mga mata. Nakabukas pa rin ang pintuan ng hotel, hindi pa kami nakapasok sa loob. Nandi