Tumingin ako sa screen ng cellphone ko. Nagdalawang isip kung tatawagan ko ba si Austine ulit. Baka hindi na naka-turn-off ang cellphone niya ngunit natigil ako sa pagtangka nang makarinig ng boses. "Celyn? Is that you?" Napatingin ako sa likuran nang makarinig na familiar na tinig. Nanlaki ang mata ko pagkakita sa taong kapapasok lang ng balconahe. May hawak siyang wine glass, bagay sa kanya ang puting coat. Maayos sa pagkadampi ang buhok nito. Medyo nakakapanibago dahil unang beses ko siyang makita na naka formal attire. Mostly, naka uniporme lang siya kapag nagkikita kami. "Jasper? Ikaw pala?" Ngumiti ako sa kanya nang pilit. Alam ko namang hindi malalaman ni Austine na nakipag-usap ako kay Jas. Pero bakit kinakabahan yata ako ngayon. Nadagdagan lang ang pag-alala ko lalo na't hin