I wasn't expecting that I will encounter him on this very moment. Habang magkatabi kami sa loob ng ambulansiya. Hindi ako mapakali. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko talaga inaasahan na hahabulin niya ang sinasakyan ko ngayon para dito siya sasakay. At sermonan ako sa harapan mismo ng mga nurse. Ayaw ko siyang tingnan kahit magkatabi lang kami rito sa likod. Hindi ako mapakali. I really can't expect that I would see him. Apat na araw kaming hindi nagkita at nakakagulat dahil ito agad ang pambungad niya sa akin. Hindi ko rin makuha kung bakit niya ako bibigyan ng parusa. I don't know his reason. Sa pagkaalam ko wala akong nagawang mali. Hindi ko rin makuha kung bakit labis na lang ang pagtitimpi nito ng galit. Ilang beses akong tumikhim dahil magkadikit na kami ni Austine sa upuan.