Wala na ako sa huwisyo para maghintay kung kailan siya papasok rito sa kotse.. Napigtas na ang mahabang pasensiya na kinikimkim. Handa na akong lumabas para kaladkarin siya ngunit.... Natigil ako sa pagtangka nang umatras siya palayo doon sa kausap niya. She wave her hand to bid a goodbye. Nakipag-usap pa ulit siya nang ilang segundo sdoon sa nakaharang na sasakyan na isang SUV. Kinakausap niya muna ang driver nun bago ito humarurot paalis. Binitawan ko seradura ng kotse. Bumalik ako sa pagkakaupo. Ang huli kong nakita sa ekspresyon ni Celyn bago umalis iyong kausap niya. Ngumiti siya at tumango. Pagkatapos naglakad na siya papunta sa kotse ko. Nawala agad ang ngiti niya. Balik pagseryoso. Tss... Is she mad at me again? Niluwagan ko ang suot na neck tie habang pinagmasdan siya sa labas.