"Nandyan po ba si daniel ?"
Nanginginig na tanong nya sa matandang kasambahay na nagbukas ng gate ng malaking bahay nila daniel
"Naku iha wala sya"
"Saan po sya pumunta? Okay lang po ba na hintayin ko sya dito ? Sige na po" basang basa na sya ng ulan kanina pa sya sa labas pero ni isang sagot wala syang natangap mulansa binata .. ilang araw nadin syang walang balita dito ni hindi ito nagpaparamdam sa kanya kung saan saan pumupunta pero hindi nya mahanap si daniel wala din kasi ito sa condo nya at hindi na din pumapasok sa university .. ilang araw nadin syang palakad lakad walang mapuntahan . Wala ding laman ang sikmura nya kaya nararamdaman na nyang kumakalam ito .
"Naku iha basang basa ka na oh .. umalis ka na kaya"
Umiling sya at ikiniskis nalang ang kamay sa kanyang balikat upang maibsan ang lamig
"Sige na po .. kailangan ko po syang makausap .. kung wala po sya okay lang po ako dito sa labas hihintayin ko sya"
"Teka sino ka ba iha? "
Asawa po nya
"Kaibigan po ... hmm may sasabihin lang po ako sa kanyang importante"
Bumakas sa mukha ng matanda ang lungkot "naku iha nagsasayang ka lang ng oras .. umalis kasi sya eh madaming dalang damit hindi nga din alam ng mommy nya kung san sya pumunta ilang araw nadin syang hindi nagpaparamdam .nagaalala na nga ang mga magulang nya eh"
"Po ?"
Naiiyak nyang sabi ngunit kahit pumatak na ang luha nya hindi naman yun mapapansin dahil sa lakas ng patak ng ulan na tumatama sa kanya
"Pero ang rinig ko kasi ay pumunta ng states si sir ... kaya kung ako sayo umalis ka na din kasi mukhang di na babalik yun"
Napasapo sya sa kanyang mukha bago napailing "hindi po baka babalik din po agad yun .. hihintayin ko sya dito please .. "
"Pasensya na talaga iha .. sige na umalis ka na .. baka magkasakit ka"
Sunod sunod ang luha na bumagsak sa kanyang mga mata wala syang nagawa kundi ang mapaupo sa semento napasapo sa kanyang mukha
"Daniel ...."
Napatingin sya sa bintana kung saan ang kuwarto ni daniel
"Daniel .... please ... kailangan kita"
"Daniel !!!! Please lumabas ka dyan !!"
"Dj !! Please kausapin mo ako!"
"Love ... wag naman ganto oh !! Please !!"
"
Napailing sya bago huminga ng malalim at napatingin sa sariling refleksyon sa tubig sa semento
"Love we need to talk.. please..."
"Love please .... I need you ...please talk to me"
"Love nasan ka na ba??"
"Mahal na mahal kita daniel kausapin mo naman ako please!"
"Daniel !!!!"
Pagkalipas ng apat na taon...
"Will you marry me ?"
"No " deretyong sagot nya
Napabagsak ang balikat ng lalake sa kanyang sinabi natulala ito sa kanya na parang gulat dahil tinangihan nya ito
"What ?? W--what do you mean by that??"
"No .. I can't marry you" napasapo sya sa kanyang ulo "I don't want to marry you."
Napailing ang lalake bago hinawakan ang kamay nya .. pati nadin ang mga tumutugtog kanina ng mga violin ay napatigil at isa isang nagsikalasan paalis sa kanilang kinatatayuan
"But why?? .. " malungkot na tanong uli nito ..
Napabuntong hininga nalang sya kaya nya to .. pang 15 na si Bryan na tinangihan nyang pakasalan kaya madali nalang to sa kanya
Na practise na nya to paulit ulit nalang
"Sorry Bry.. pero bakit kita papakasal we're not even in a relationship"
"No no .. no kath please . Please tell me ..anong gagawin ko para pumayag ka .. pwede naman tayo magpakasal kahit hindi pa tayo official bakit pa kailangan nating makipag commit as boyfriend girlfriend if I want this relationship to the next level .. be my wife and I'll promise to court you for the rest of my life"
Tipid syang ngumiti bago pinisil ang kamay ng lalake mabait si Bryan nakilala nya ito sa isang bar kung saan pagmamayari ng binata sa makati kung saan nagcelebrate ang company nila ng 25yr anniversary bukod doon marmi pang business ang lalaki sa iba't ibang bansa masasabi nya na isa si Bryan sa mayayamang naka date at fling nya "Sorry Bryan but I've already told you na I'm not into serious relationship right? Akala ko ba nagkakaintindihan tayo ?"
"But I love you kath .. I love you so much sa maisksing panahon na magkasama tayo nahulog na ako sayo.. I wan't to spend the rest of my life with you"
Napabuntong hininga si kathryn bago tinapik ang kamay nito "Bry .. you are kind .. handsome ...smart ..talented .. gentleman and you have a good heart .. you deserved someone else .. someone better than me"
"No.. I don't wan't someone else .. all I want is you baby.. please don't say that"
"Sorry bry but my decision is final .. I can't marry you" hinawakan nya ang kamay ng lalake at hinalikan ang pisngi nito "I'm really sorry bry,... I need to go now"
Tumayo sya .. narinig nya pang tinawag sya ng lalake pero hindi nya ito nilingon derederetyo syang umalis hangang sa makarating sya sa labas ng restaurant
"God what just happened? ." napahilamos sya sa kanyang mukha at akmang papara ng taxi ng biglang may marinig na nagsalita mula sa likod nya
"Bakit mo naman dineny ang proposal nya ? Hindi ka na naawa sa lalake pinaiyak mo"
Para syang nanigas sa kinatatayuan nya .. kilala nya ang boses na yun .. ang boses ng walang hiyang yun huminga sya ng malalim at inihanda ang sarili bago lumingon
Hindi sya nagkakamali .. dahil ang lalakeng nasa likuran nya ay walang iba kundi ang lalakeng nangiwan sa kanya apat na taon ng nakakalipas ..
Ang lalaking nanakit at kinasumpa sumpa nya ay nasa harap nya at nakangiti pa sa kanya na akala mo walang ginawang masama
Gusto nya itong sumbatan gusto nya itong paghahampasin .. sapakin at ilampaso sa sahig gusto nya din bayagan ito para man lang makaganto pero pilit nyang pinakalma ang sarili ..Nanginginig man sa galit ay kunyaring hindi sya nagpahala na naapektuhan sa presensya nya
"Hmm excuse me ? Do I know you?" Blankong tanong nya dito .. magaling sya sa larong ito .. kung tutuusin pwede syang maging artista sa galing nyang umarte .. madalas nya kasi itong sabihin sa mga lalake na nakakasayaw nya sa bar na naghahabol padin sa kanya
Napangisi naman ang lalake bago napamulsa "Wag mong sabihing hindi mo ako kilala ? Ganun nalang yun kath? Ganun nalang ba ako kadaling makalimutan ha?"
At ganun nalang din ba ako kadaling iwan?
Ganun nalang ba kadali akong saktan ?
Matapos mong hindi magparamdam ng apat na taon ay nandito ka sa harap ko nakangiti at parang pinapalabas na ako pa ang may kasalanan kasi hindi kita maalala
Gago ka ba ? Ikaw ? Makakalimutan ko ?? Kahit pa siguro paulit ulit na mauntog ako hinding hindi kita makakalimutan gago
Ikaw ang unang nakalimot sating dalawa .. ikaw ang unang bumitaw kaya wag kang magpangap na wala lang to lahat
Napangisi sya at kinunutan ng nuo ang lalake . "Sorry ?.. what's your name again? Wait .. hmm lester ?" napasapo sa mukha ang lalake na tila hindi makapaniwala "hindi lester ? Hmm wait Mark? Kelvin? Michael ? Brandon? Jason? John..hmm i know i know Isaac??! .. umm wait .. saan ba tayo nagkita baka maalala ko?"
Napailing ang lalake bago tinignan sya ng matiim
"Daniel.... ako si Daniel Ross ang asawa mo .."
Umakto si kath na parang nagulat pero agad din syang napangisi "Oh ..yes daniel .. naalala ko na .. nice to see you again . so how are you? Biglaan naman ata at nagpakita ang asawa ko?"
Seryoso syang tinitigan ng asawa bago napahawak ito sa sentido nya
"Sasabihin ko nalang pag nasa sasakyan na tayo "
Napakunot ng nuo si kathryn bago ngumisi "okay"
"Okay ?? Sasama ka sakin"
Tumango sya . Tahimik lang si kathryn hangang sa marating nila ang parking lot kung saan naka park ang sasakyan ng binata
"I wan't to talk to you" basag nito sa katahimikan habang nasa loob sila
"About what?"
"About us "
About us ?
Ano pang paguusapan natin? Apat na taon na ang nasayang ..
Napangisi si kathryn bago ipinaglandas ang daliri sa kuwelyo ni daniel
"Sure .. " hinaplos nya ang pisngi nito hangang sa umabot ang mga palad nya sa balikat ni daniel "i know a place kung saan tayo pwedeng magusap ... "tinignan nya ito ng mapangakit sa mga mata "na tayong dalawa lang"