Market place
Mainit na binabagtas ni Laura ang daan patungong palengke bitbit ang mga gulay na paninda niya.
Nag ani pa kasi siya sa maliit niyang gulayan para bagong pitas ang kanyang paninda.
High school lang ang kanyang natapos.Ayaw na siyang papuntahin pa sa kolehiyo ng kapatid niya sa Ina.Namatay ang kanyang ina kasama ng kanyang ama sa isang aksidente.Nag bayad naman ang naka aksidente sa kanila kahit kasalanan naman ng mga magulang niya.
Ang perang pinambayad ay ginamit lang ng kanyang kapatid sa sugal.
Nag apply naman siya ng trabaho pero hindi sila tumatanggap ng highschool grad at no experience.
Napag pasyahan niyang mag apply na katulong o taga hugas ng karinderya pero pinag nasahan lang siya ng kanyang mga amo.
Kaya mas ni nais nalang niyang mag tanim ng gulay sa maliit na lupa na pag mamay ari ng kanyang ama.
Dise nwebe na siya maraming nanliligaw sa kanya pero itinataboy ng kanyang ate ang mga walang pasalubong o bigay.Nahihiya siya sa mga ginagawa ng kapatid niya pero wala siyang magagawa dahil ang ate lang niya ang mayroon siya.
Habang naglalakad siya sa loob ng palengke ay may makakasalubong siya na grupo ng mga lalake na naglalakihan ang mga katawan,Nang pumagilid siya ay biglang may kumabig sa kanyang ulo at hinalikan ang kanyang mga labi ,na pa buka ang kanyang labi at ginalugad ang loob ng kanyang bunganga ng lalaking basta nalang humalik sa kanya.
Naramdaman niyang may ipinasok sa kanyang bulsa at umalis.Hindi na niya na mukhaan ang unang lalaking humalik sa kanya.