TTPCIAM; Chapter 7

2181 Words
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA Nakipag titigan lang ako sa lalaki na may hawak na patalim. “Tama na yan, halika na Ciarra.” Hinila agad ako ni Mrs. Clemenza na hinayaan ko na lang. “Susmaryosep kang bata ka? Saan ka ba humahatak ng tapang? Mas matanda yun sayo hindi yun magandang gawain..” sermon ni Mrs. Clemenza, dahan dahan ko inalis ang kamay ko sa kamay nitong naka hawak sakin. “Tulad po ng sabi ko wala na po akong pakialam doon..” sagot ko at dumistansya na ako. I don’t like when people give me a sympathy look or affection, hindi ko gusto ang ganung bagay mas gusto ko pa rin na trabaho lang walang personalan. “Halika, mag aral ka din bumaril hija para kahit papaano kapag nag ka gipitan marunong ka ipagtanggol ang sarili mo..” aya sa akin ni Donya Amelia “Kutsilyo lang ang kaya niyan hawakan!” Natatawang wika ni Britney “Stop it, Britney! Muntik kana nga mawalan ng leeg kanina sige ka parin pang aasar!” Narinig kong suway si Sir Clinton sa haliparot niyang fiancee. Tumayo na ako at nag lakad lang ako ng naka pamulsa, “Actually hindi importante kung marunong ka ba humawak ng baril o hindi. Dahil minsan,” putol ko at kinuha ko ang isang 45 caliber. Nilagyan ko ito ng bala at kinasa ko ito. Lahat sila naka earmuff para protektahan ang teinga nila, habang ako hindi na ako ang abala pa. “Dahil kung baril lang at knife? Mas madaling gamitin ang knife, ibato ko lang ito sa kaaway mo rekta mo pa sa ulo then panalo kana.” Dagdag ko. Sunod sunod kung pinutukan ang mga lata sa dulo na naka tayo, narinig ko pa ang pag tili ng sunod sunod ko itong barilin. Hanggang maubos ang bala ng baril na hawak ko. “Okay na ba?” Tanong ko sabay baling kay Britney. Nakita ko nanlalaki ang mata nito at nanginginig ito. Binaba ko na ang hawak kong baril at lumayo ulit sa kanila. Nakita ko ang dalawang kaibigan ni Sir Clinton na naka tayo din, noong bumabaril ako saktong dating nila. Umupo ako sa baitang ng hagdan at pinanood sila sa ginagawa nila. “Paano ka natutong bumaril?” Tanong sa akin ni Sir Steve. “Madali lang naman matutunan, pinanood ko sila..” pagsisinungaling ko hindi na ako nag abala na tapunan pa ito ng tingin. “You lied..” wika nito na kina lingon ko. “Hindi kaya ng isang baguhan ang humawak ng baril at mag paputok nito ng isa lang ang kamay na gamit. Mas lalo sa ganyan kalayong distansya, na asinta mo ng hindi ka man lang nagkakamali?” Mahabang paliwanag nito naging dahilan na nakaramdam ako ng discomfort dahil sa sinabi nito. “Hindi po ba pwede na fast learner lang ako at hindi ko alam na mali pala ang ginawa ko?” Pagtatanong ko. Tiningnan ako ng may pagdududa nito ngunit ko na lang ito pinansin pa. “Sabi mo e..” sagot nito at umalis na ito sa tabi ko. Napa hinga ako ng malalim, nilagay ko ang palad ko sa ilalim ng baba ko at nag salita. “Next time, Savvy huwag na huwag ka magpapadala sa emosyon yan ang ikaka pahamak mo..” bulong ko na sakto lang para marinig ko ang sinabi ko. NANG LUMIPAS ANG ORAS HANGGANG TANGHALI nag luto lang ako ng kare-kare at bagoong alamang na gusto nila. Matapos ko mag luto kumain na ang buong pamilya Clemenza, habang ako naka tutok sa cellphone ko at pinapanood ang video sa YT. “Hi, balita ko doon ka muna titira sa magulang ni Clinton? Totoo ba?” Napa angat ang tingin ko sa nag salita sa likod ko. Pinatay ko ang cellphone ko at binuksan ko ito. “Ang mahal ng cellphone mo ha? IPhone yan at yung latest pa ata ‘yan..” wikang tanong ni Sir Charles habang naka ngisi. “Yun ang request si Donya Amelia, wala naman ako magagawa dahil sila ay amo ko din..” sagot ko at binaliwala ko ang huling sinabi nito. “Ayos, pero delikado ka kasi mukhang gusto ka ni Tita. Hahaha baka ikaw ang ipakasal kay Clinton, instead of Britney..” natatawa nitong wika. Hindi ko alam kung nang aasar ba ito o hindi. “Madali lang naman tumanggi. Una ayoko matali sa taong hindi ko naman kilala bukod doon amo ko lang naman ang anak nila..” diretso kong sagot dito, nag taka ako ng tumahimik ito at naka tingin ito sa likod ko kaya napa lingon ako. “Wala ka talagang pinipiling salita ano? Tingin mo ba mag kaka gusto ako sa isang mamabang uri?” Tanong ni Sir Clinton. Ngumisi ako at tumayo na ako bago sumagot, “Then we don’t have any problem with that Sir, trabaho lang walang personalan..” sagot ko na kina gulat nilang lahat. “Tingin mo maganda ka sa oras na magkagusto sayo ang fiance ko? Dream on girl, baka parausan pwede pa..” panlalait ni Britney sa akin. “Nakaka tatlong libo ka na miss Britney, yung bayad mo hinihintay ko. Sagutin lang kita sa sinabi mo, wala akong pakialam. Kahit wala pa mag ka gusto sakin hindi ko naman ikamamatay ng wala akong lalaki sa buhay..” sagot ko at ngumiti ako. “Alam niyo tama na yan uuwi na tayo, paano ba yan Elrod? Uuwi na kami.” Paalam ni Donya Amelia. Nag lakad na ako palabas at iniwan ko sila. “Manong? Sabay po ako sainyo..” pag kausap ko kay manong, ngunit nakita ko paano ito mag hesitate. “No, chef sa amin kana sumabay. Hindi na rin sasama si Britney.” Utos ni Donya Amelia. Imbes na tumanggi pa ako at hinayaan ko na lang, sumunod ako sa mag asawang Clemenza hanggang makita ko ang tattoo sa kaliwang braso ng ama ni Sir Clinton. Mabilis lang pero nakita ko na pareho ito sa tattoo ng napatay kong miyembro ng Cartel. Pero posible ba? Umiling na lang ako at pumasok ako sa loob si Sir Clinton sa harap ito umupo. Bumiyahe na kami pauwi, habang pauwi kami sinabi ni Donya Amelia ang magiging dinner nila kaya yun ang gagawin. Hindi na ako nag tanong dahil simple lang naman ito kung tutuusin. NANG MAKARATING KAMI SA MANSION NG MGA Clemenza. Gumawa ako ng meryenda ng mga Clemenza, mag isa lang ako sa loob ng napakalaking kitchen ng pamilya nila. Napa tigil ako sa pag gawa ng Tiramisu ng maalala ko ang mga ginawa ko kanina, napa buntong hininga ako at umiling. Hindi ko dapat ginawa yun, baka mag hinala sila. Nang matapos ako pinalamig ko muna ito at naupo ako sa mahabang mesa nila na yari sa marmol, napaka dulas nito kaya naman nilagay ko ang pisngi ko dito. Napa ngiti ako ng maramdaman ko ang lamig nito. Para akong bata dito kasi noong buhay pa ang magulang ko, madalas ako natutulog sa sahig dahil malamig doon. “What the hell, are you doing? You look like idiot!” Napa talon ako sa gulat ng marinig kong sumigaw sa likod ko. Tumayo ako agad. “Sorry sir, natuwa lang ako sa mesa niyo..” pag hingi ko ng tawad. Yumuko ako, “Ayoko ang ginawa mo at pag sagot mo kay Britney. Ulitin mo pa i will fire you!” Diin na pag babanta nito. Tiningnan ko ito ng malamig na kina taas ng isang kilay nito. “Okay lang sir, kahit ngayon niyo na ako alisin ikinalulugod ko ‘yun. Pero hindi ko hahayaan na pati magulang ko at pagkatao ko yurakan ng fiance mo.. Sir” sagot ko at sadya kong hinuli ang salitang Sir sa sagot ko. “Kung ganyan ang ugali ng ipapakita mo sa ibang tao? Walang tatagal sayo..” sagot nito at nag tungo ito sa kitchen. “I don’t care either, mas okay yun kesa ipilit ko na magkaroon ng konting pakialam. May apat na klase lang ng tao ang mundo..” putol ko at tinulungan ko itong kumuha ng Tiramisu na pwede naman na dahil malamig na “Una. Mga loyal na tao sila yung maasahan mo at hinding hindi ka lolokohin, pangalawa, mga unfaithful na mga tao sila ang may kakayahan para traydurin ka..” putol ko sa sasabihin ko at inabot ko kay Sir Clinton ang pagkain niya. “At ang natitira? Ang katulad mo mag isip at ako.” Sagot ko at inabutan ko ito ng malamig na tubig. “What exactly do you mean?” Tanong nito matapos nito umupo. “Well, ikaw yung nakikita mo lang dapat mapansin, tulad ng sabi mo kanina walang tatagal sakin. Ako dahil may mga katulad ko na walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, kami ang mga tao na hindi namin kailangan ang mga salita ng iba. As long alam namin ang ginagawa namin..” ngumiti ako at iniwan ko na ito. Nag tungo ako sa mgiging kwarto ko at inalis ko na ang apron ko at naligo ako dahil naiinitan ako, matapos ko maligo nag laba naman ako ng dalawa kong apron and isang chef coat ko. Dahil ayoko ng naiipon ang mantya nito, maybe next time mag t-shirt na lang ako na puti hindi na ako mag uniform. Tutal sa loob naman ako ng bahay nagluluto hindi sa labas. Matapos ko mag laba sinampay ko lang ito sa loob ng cr dahil matutuyo naman ito dito, ayoko naman ilabas nakakahiya. Paglabas ko ng kwarto ko napa tingin ako sa taong nasa loob ng silid ko. Hawak nito ang cellphone ko, “Anong ginagawa mo dito? At bakit hawak mo ang cellphone ko?!” Tanong ko dito at agad kong nilapitan ito at inagaw ang cellphone ko. Ngunit tinaas niya ito para hindi ko maabot. “Problema mo ba?!” Pikon kong tanong dito. “Sino si Bryant at anong sinasabi niya na may kailangan kang malaman?” Malamig nitong tanong. Haist.. bwiset kasalanan ko ito dapat hindi ko inaalis sa katawan ko ang cellphone ko. “Wala ka na don! Amo lang kita okay? Akin na bago ko basagin ‘yang pagka lalake mo!” Banta ko dito. Ngunit tiningnan lang ako ng malamig nito na tila binabasa nito kung nag sasabi ba ako ng totoo. “Ano?!” Pinandilitan ko ito ng mata hanggang ibaba nito ang kamay niya na hawak ang cellphone ko. Inabot niya sa akin ito na agad kong kinuha. “You always on point.. and i hate it. No woman on this earth can do that to me..” makahulugan na wika nito na kina laro ng isip ko. “Ano daw?” Naguguluhan kong tanong at pinanood ko ang amo ko na umalis na lang. “Problema niya ba?!” Hindi ko maka paniwalang tanong kahit alam ko naman walang sasagot. Umiling na lang ako at binasa ko ang message sa akin ni Bryant. Nang mabasa ko ito tinawagan ko ito at nag kulong ako sa banyo. “Hindi ako makakaalis ngayon, nabasa ng amo ko ang text mo kapag umalis ako dito. Sigurado pasusundan niya ako.” Bungad ko dito. “Kailan ka pa natakot sa mga sumusunod sayo? Sira ka Olivia! Kailangan mo malaman ang nalaman ko sa ginagawa ng mga Cartel ngayon..” sagot ni Bryant. “Bakit? Paano?” Tanong ko dito. “Pinaghahanap na nila ang pumatay sa kanang kamay ng boss nila. Kailangan mo mag ingat..” paalala nito hanggang na alala ko ang tattoo ng ama ni Sir Clinton. “Bry, do me a favor..” seryoso kong wika. Narinig kong tumikhim ito bago mag salita. “Okay. Mukhang seryoso yan ano yun?” Tanong nito. “Kumuha ka mg information tungkol sa mga Clemenza. May hinala ako na kilala nila ang mga Cartel..” mahina kong wika. “Okay kuha ko na, sige ako na ang bahala..” sagot nito at binaba na nito ang tawag sa sakin. Bakit ko nga ba pinagawa yun? Simple lang, ang mga Cartel ang hinala ko na pumatay sa pamilya ko. Dahil lang sa naalala ko na marka nila, pero kailangan ko mag ingat hindi pwede na malaman nilang may buhay pa sa pinatay nila noon. Naalala ko na pinakawalan ako ng isa kanila. Napa hawak ako sa sink sa maliit na lababo dito sa aking kwarto at pumikit ako. “Pagdating mo ng tamang edad, hihintayin kita na balikan ako at tapusin..” Yun ang natatandaan ko pag talikod nito nakita ko ang marka nito o tattoo nito sa likod ng braso nito. Bukod doon wala, kahit anong hanap ko sa marka na yun, hanggang makilala ko si Kazimir at pumasok ako sa dark world para maka kuha ng information tungkol sa pagkamatay ng magulang ko. Ngunit.. Napa tampal ako sa noon ko ng ma-realize ko na para wala akong naalala na may naitulong ito. Bukod kasi magulo sila hindi ko din alam sino ba talaga ang Boss namin. Si Annalise ba o si Kazimir, pero may isang sigurado ako. Magulo talaga sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD