TTPCIAM; Chapter 4

2201 Words
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA Nang mag gabi narinig ko na magkaroon sila ng inuman dito sa mansion. Kaya nag paluto ito ng beef and pork para sa maliit nilang pulutan. Habang naghihintay ako maluto ang smoke chicken na gusto ni Sir Steve naka sandal ako at naka titig sa grilled. “Hi, hindi pa ako naka pag pakilala. I’m Charles Antonio..” napa lingon ako dito at nakipag kamay. “Ciara or Savvy na lang po..” pakilala, tinatamad na ako mag pakilala pa ng mahaba. Ngumiti ito at umupo sa metal na upuan dito. Hinayaan ko na lang ito hanggang mag salita ulit ito. “Alam mo curious ako kung sino ka? Kasi ang pinakita mo sa Bar? Hindi basta basta yun.. yung lalaki na kinalaban mo? Tatay niya ang mayor ng lugar.” Tiningnan ko naman ito. Nagkibit balikat ako at pinay-payan ko ang inihaw ko bago mag salita. “Wala akong pakialam, tulad ng sabi ko ano man ang gawin akin ng taong ‘yun lalaban ako. Hindi naman ako kailangan makilala ng mga tao bilang personal chef ng amo ko, no need trabaho ito hindi palakihan ng ulo.” Diretso at walang preno kong sagot. Ngumisi ito. “Kakaiba grabe, konti na lang ang ganyang mindset sa totoo lang sana maging kaibigan tayo..” wika nito. Nilingon ko ito saglit at nag salita ako. “Kung hindi po ito magiging dahilan para mag kagulo? Okay sakin..” nginitian ko ito at nag focus ako mag luto. Binigyan lang ako ng ngiti nito kaya nag focus nalang ako sa pagluluto. NANG MAG ALAS OTSO NG GABI natapos na rin ako mag luto at iniwan ko sila sa likod habang ako nasa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko hanggang mag ring ito, saktong tumatawag si Bryant. “Bry? Napa tawa ka?” Tanong ko sa kaibigan ko. “Pwede ka ba bukas ng gabi? Alam ko may trabaho ka pero gusto ko hingin tulong ng isang sniper na katulad mo..” wika nito halatang bumubulong ito. Kaya lumabas ako sa maliit na balcony at sumagot. “Send me what time and location..” sagot ko lang ito. “Okay thanks, asahan kita.” Sagot nito at binaba na nito ang tawag niya mismo. Napa tingin ako muli sa screen ng umilaw ito, doon ko nabasa ang address at oras, agad kong binura ang message nito at phone call record ko. Kailangan ko mag ingat sa lahat ng oras hindi pwede na mabuko kung sino ako. Napa tingin ako sa mga nag sasaya sa likod at nahuli ko silang naka tingin sa akin pero binaliwala ko yun. Pumasok ako sa loob at nilock ko ang pinto sa balcony, kahit nasa unang palapag ako may maliit pa rin na balcony siguro para pag tambayan. Kinuha ko ang tuwalya ko at nag tungo ako banyo upang maligo. HINDI NAGTAGAL NATAPOS NA AKO maligo, umupo ako at ginamitan ko ng electric fan ang buhok ko para matuyo. Kahit may aircon pa kailangan ko parin patuyuin ang buhok ko para lang sa buhok ko, nang matuyo ng kaunti humiga na ako at natulog na dahil maaga pa ako bukas. KINABUKASAN maaga ako bumangon ginawa ko ang morning routine ko ang maligo ng napaka aga. “Good morning, Manang..” pag bati ko kay manang na nag aasikaso sa agahan. “Ako na ho niyan..” wika ko. “Hindi mag asikaso ka, sasamahan mo si Ma’am Amelia upang mamili ng fresh ingredients para mamaya sa dinner nila with Clemenza Clan..” wika ni manang. Napa taas naman ang dalawang kilay ko, “Okay po, mag bihis na po ako.” Sagot ko at agad akong bumalik sa kwarto ko nag bihis lang ako ng jeans na itim at v-neck white t-shirt. Kumuha ako ng baseball cap sa gamit ko at lumabas na ako. “Ikaw ba si Chef Ciarra?” Tanong ng isang babae nasa mids forty years old. Tumango ako at yumuko, “Yes Ma’am, kayo si Ma’am Amelia?” Tanong ko dito dito. Ngumiti ito na napaka tamis. “Hay salamat at kilala mo ako, halika na samahan mo ako gusto ikaw ang mag sabi sa akin dahil isa ka ‘ding chef..” hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako palabas. “Manang? Aalis na kami ha?” Paalam nito, nakita ko ang gulat sa mata ni manang ng makita nito na hawak ako ang Madam nila. “Ma’am, sa tabi na lang ako ng driv—” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan nito ang bibig ko. “Tabi tayo, Wacky? Tara na!” Utos nito at una itong pumasok. Napa iling na lang ako at pumasok ako sa loob. “Here hawakan mo ito, ikaw ang pipili ng vegetable..” utos ni Ma’am Amelia. Kinuha ko ito ng hindi nagsasalita at binasa ito. “I heard Ma’am? Hindi kayo gaano kumakain ng heavy food but this one is heavy and then this kind of meat..” turo ko sa meat na pork. “Nah, hindi naman lagi so it’s fine. Hindi mo ba itatanong para saan ito? I mean itong mga paghahanda?” Tanong nito. Umiling ako at nag salita. “Basta ipaluto lang ninyo kung ano at ilan ang maaaring kumain. Kung tingin ko marami pwede niyo rin ako sabihan..” sagot ko dito. “Are you really a cold person? It hurts me, my son is already cold hearted. And his fiancée? Oh god she's a pain in the ass!” Walang pasensya nitong wika. Hindi ko maiwasan hindi matawa at tinakpan ko ang bibig ko. “What? I’m just saying the truth, i hope my two other daughters? Magustuhan ka..” wika nito. Nag kibit balikat lang ako at tahimik na kami buong biyahe. Wala akong plano mapalapit sa kahit sino. One year lang ang kontrata ko bilang personal chef ng anak nila. HINDI NAGTAGAL nakarating na kami nauna akong bumaba at hinintay si Ma’am Amelia. May dalawa itong bodyguard at dalawang driver at—— teka ang dami naman ata? Nag salubong ang kilay ko ng may isa pang sasakyan na naka sunod samin. Napa lingon ako kay Ma’am Amelia, kung ganun may something sa pamilya na ito. Kung ano man yun? Wala akong balak alamin. “Tara na..” aya ni Ma’am Amelia, nauna ito at ako ang sumunod doon ko na sinuot ang cap ko at nag lakad ako ng maayos. “Mauna po tayo Ma’am, sa mga pang lasa bago ang prutas at meat. Huli na ang meat para hindi ito masisira.” Mungkahi ko kay Ma’am Amelia. Tumango ito at nag lakad ito, para sa edad niya napaka sopistikada parin nito mag lakad. Nang makarating kami, isa isa ko kinuha ang mga naka lista. Binasa ko din muna ang mga label at expiration ng mga ito, nang masigurado ko lahat nilagay ko ito at lumipat ng ibang shelf. Nakita ko ang mga bodyguard na kumuha ng bigas i think that’s brown rice. Matapos ko mukha ng kailangan ko pumunta ako sa fruits section. Kumuha ako ng kailangan sa bahay at sa naka lista hindi lang para sa kanila kundi para sa mga lulutuin ko. May times na i need fruits for my dish, nang matapos ko ito. Pumili na ako ng gulay na pasok sa gusto nila. Sila ang masusunod taga luto lang ako, yun ang nasa isip ko lagi. Matapos ko kumuha ng gulay nakita ko si Ma’am Amelia, mukhang pagod na ito. “Ma’am ako na lang po kukuha ng mga kailangan..” wika ko dito. “Okay sige nakakapagod na kasi, Hija..” sagot nito kaya tumango ako at nagtungo ako sa meat section. Pagdating ko dito, namili ako ng magandang klase. “Narinig niyo na ba ang balita? Mag kaka roon daw ng malawakang operation ang mga pulis para matugis yung mga kumukuha ng babae para ibenta sa mga chinese mafia..” wika ng babae. Yumuko ako at kinuha ko ng maayos ang mga meat na kailangan ko. Nilagay ko ito ng maayos at umalis na. Kung ganun, tama si Bryant sa mamaya na mangyayari. Ngumisi ako at nag salita. “Then mang gugulo ako.” Wika ko at nag lakad na ako. MATAPOS NAMIN BAYARAN ANG lahat at umuwi na kami. Hanggang pag uwi ng bahay tahimik lang ako, nang maka uwi si Manang ang nag ayos. Nangialam na rin ako paano magawang i-maintain ang meat hindi pwede itabi ang raw meat sa cook food. This is crossing the contamination sa pagkain, it’s dangerous para sa lahat ng tao na kakain. “Nay, please huwag niyo pag samahin ang mga luto ng pagkain at hindi, dahil maaaring magkaroon ng cross contamination o mga bacteria ito.” Mahigpit kong bilin dito. “Okay hija,” sagot nito ginawa nilang ilipat lahat ng meat sa ibang ref at ang iba naman ay ganun din, ang mga gulay ay binigay nila sa hindi gaano naiinitan para manatili itong fresh. Mabuti at may pantry sila dito. Matapos nito umalis na ako upang maglinis ng sarili bago ako mag luto ng kanilang pagkain, habang nag bibihis ko biglang bumukas ang pinto. “Nay nag bibihis po—— aaaaahh!!!” Tili ko at tinago ko ang katawag ko ng kumot ko. “Get the f**k out of here!!” Sigaw ko kay Sir Clinton. Pero bato lang ito na nakatayo at naka tingin sa akin ng malamig. “Shame on your body, I don’t like it, hindi ka naman sexy. Bilisan mo na at gutom na ako..” pang iinsulto nito. “Tingin mo may karapatan ka para laitin katawan ko? Wala akong pakialam kung napapa ngitan ka sa katawan ko, pwes! Walang nagtatanong!” Galit kong sigaw dito. Lumapit ako doto at.. “Oo nga pala more shame on you, you f*****g dickhead!” Hinawakan ko ang pinto at sinara ko ng malakas ito sa mukha niya mismo. Napa hinga ako ng malalim at nag bihis na ako ng Chef whites. Inipit ko ang buhok ko at lumabas na ako ng kwarto. “Ate, Terry? Handa na po ang mga kailangan ko?” Tanong ko at nag suot ako ng hair net na itim para lang hindi mahalo ang buhok ko at pawis. “Opo, Chef nandito na po ito ang lulutuin niyo for the lunch.” Sagot ni Terry Tumango ako at hiningi ko ang tulong nito, every chef need a one helper to design the plate. Feeling royalty kasi itong pamilya na ito. “Taliin niyo po ang buhok niyo, at double check everything..” utos ko at mabilis na akong nag hiwa ng sibuyas, bawang at mga gulay. Hinuli ko ang mga meat dahil ayoko magkaroon ng cross contamination dahil sa chopping board, kailangan lagi itong linisan sa bawat hihiwain mo dito. Unahin mo ang mga dry ingredient tulad ng gulay sunod ang mga bawang huli na ang meat. Hinugasan ko din ang chopping board at lahat ng ingredients to make sure na malinis. Kinuha ko ang Wokfan dahil meron sa menu na chinese food. Hinugasan ko ito at sinalang na, “Chef, iwan kita saglit ha?” Paalam ni Terry tumango lang ako at nginitian ito. Chao-fan rice, may dumplings din the rest ay italian food na. Nag buhos ako ng mantika sunod sunod na ang meat na pork meat mismo. Nang umapoy ang Wok-fan. “Woah! Ang astig!” Narinig kong wika ng isang babae. Hindi ako lumingon ng iadd ko ang kanin, nilagyan ko ito ng soy sauce at nag basag ako ng itlog at mabilis kong hinalo ito. Saka lang ako tumingin at doon ko nakita na kambal pala ito. “Ang ganda mo naman miss, para maging Chef!” Wika ng isa pang babae, ngumiti ako pero hindi umabot sa mata ko. Nag patuloy lang ako ng pag luluto hanggang matapos ako sa lahat ng putahe, habang ang dalawa ay nanonood lang sa ginagawa ko. NANG MATAPOS AKO, lumabas ako ng dining dahil naiinitan na ako, nagtungo ako sa likod at tumingin sa maliwanag na langit. NANG MATAPOS SILA KUMAIN PUMASOK AKO sa loob saktong lumabas na sila. “Sir, magpapaalam lang sana ako mamayang gabi. Uuwi po muna ako may kukunin lang ako sa condo ko..” paalam mo agad dito. “Sige.” Malamig na sagot nito kaya naman nag pasalamat ako at pumasok ako sa dining. Naabutan ko silang kumakain. “Ang sarap tinirhan kami ng mga Clemenza. Ang sarap ng luto mo Chef!” Wika ng driver ng mga Clemenza. Hindi ko alam kung sino sa kanila, ngumiti ako. “Kapag day off ko po mag luluto ako ng gusto niyo. “Sagot ko at nginitian ko pa sila. Hinayaan ko silang kumain at ako naman ay kumuha ng spicy dumpling. Kahit ako nasarapan sa luto ko, hindi ko mapigilan hindi kumain. Nang natapos kami kumain, nanatili muna ako sa kwarto ko at inabangan ko ang text ni Bryant hanggang umilaw ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binasa, doon ko nakita kung sino pa ang mga sangkot sa magaganap na bentahan. May mga pulis at chinese mafia. Ngumisi ako at nag salita. “Alright.. oras na para mang gulo..” bulong ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD