Binalik ko ang paningin kina Kairus na ngayoy naka akyat na sa stage. Mas lalong umingay ang buong mall at paligid. Nanatiling nakatalikod ang babae kahit na humarap na sa amin si Kairus. Nagulat ako ng makita ko ang band aid sa noo nito. Hindi ko mapigilang hindi mag aalala. Humakbang ako ng isang beses. Tumingin sa paligid si Kairus bago ito ngumiti ng malaki na mas lalong ikinaingay ng mga fans. At isa ako sa kanila. I am his number one fans! Sa labas, fans niya lang ako o taga supurta, sa labas parang kaming hindi magkakilala. Ngayon ko lang napagtanto na ang hirap pala ng ganito pero wala akong pakealam as well as akin si Kairus, wala na akong mahihiling pa. Gusto ko rin maranasan ang hawakan ako, yakapin ako, halikan ako sa harap ng maraming tao, gustong gusto kong maranasan yan