I want too see her! Pero wala akong magawa kase hindi ko na alam kong asan siya. Hindi ko na alam kong saan pa ito hahanapin. Ginawa ko na ang lahat pero bakit hindi ko parin mahanap. Ang galing niyang magtago. Napatingin ako sa kusina at hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan habang inaalala ang masaya naming ginawa. Ganitong ganito oras, pag uwi, sasalubungin ako ni Stella ng isang ngiti, halik, yakap at masarap na pagkain na niluto niya. Miss ko na! Nag uunang bumagsak ang luha ko bago ko nilibot ang mata ko sa paligid upang hanapin si chuchi. Ngayon ko lang siya naalala. Halos makalimutan ko ng meron pa pala akong kasama dito. Tumayo ako at hindi na nag abalang punasan ang luha ko. "Chuchi?.." tawag ko. Nilibot ko ang bawat sulok ng unit pero wala akong nahanap na aso namin.