Napapikit ako ng mariin at napahampas sa manubela at mas lalong binilisan ang pagmaneho. Tinahak ko ang familiar na daan kong saan ang village ng mga Velazquez kong saan ang bahay nina Amara. Isang liko pa ang ginawa ko bago ko narating ang mansyon nila. Lumabas kaagad ako at hindi nag dalawang isip na nagdoorbell,lumabas doon ang isang katulong at pinagbuksan ako. "S-sir?." Tawag nito sa akin na mukhang gulat pa dahil malalim na ng gabe akong andito parin. "Si amara?." Seryoso kong tanong. Nataranta kaagad ito! "Nasa pool po kasa--." Hindi ko na pinatapos ang sabihin niya dahil kaagad akong pumasok sa loob. Dumiretso ako sa likod ng bahay kong saan andon ang pool nila. Lumabas ako doon at kaagad kong nakita si Amara na umiinom habang katabe nito si anya. Anya is her new bestfriend,