Kulang parin! Kulang na kulang! Mas lalo akong humagulgul. "A-at alam mo ba kong ano ang pinakamasakit? " natatawang tanong ko habang lumuluha. Napatingin sa akin si Kairus at naramdaman ko kaagad ang higpit ng hawak nito sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya! And.. I smiled painfully! "H-hindi ko magawang magalit s-sayo. Hindi ko magawang magalit sayo kase naintindihan kita. Hindi ko magawang magalit sayo kase alam ko sa umpisa palang kasalanan ko. Kasalanan ko kong bakit ako nasasaktan ng sobra sobra ngayon. Kasalanan ko kong bakit ako umiiyak at nadudurog ngayon, dahil ginusto ko ito eh, nagpagamit ako. Ginusto ko ito sa umpisa palang." Dagdag ko habang patuloy sa pag agos ang luha ko Yes! Fvck it, I can't blame him kase from the start I know that I am a potential rebound for him