STELLA POV. Kumaripas kaagad ako ng takbo papunta sa banyo ng maramdaman kong parang hinalungkat ang tiyan ko. Kaagad akong lumuhod sa paanan ng inidoro at niyakap ito bago ako sumuka. SH1T! Pakiramdam ko pati lamang loob ko ay maisuka ko na rin. Halos maluha ako dahil sa matinding pagsuka. Pakiramdam ko pati mga nilalaman ko ay maisuka ko na. Hinihingal ako ng bahagya pagkatapos pero nanatili parin akong nakaluhod habang natulala. Pinunasan ko ang luha ko bago ko ni flash ang inidoro saka ako tumayo. Dumiretso ako sa sink at tiningnan ang sarili sa malaking salamin. Hinawakan ko ang pisngi ko, ang putla putla ko na. Naghugas kaagad ako ng kamay bago ako nag hilamos ng mukha. Pinunasan ko kaagad ito ng isang malinis na puting towel. Natulala ulit ako at isang malaking katanungan ko sa