Natigilan ako sa mga salitang binitawan ni Amara. Natulala ako sa mukha nitong punong puno ng pagsisisi. Ilang sandali kong pinoproseso ang sinabe niya. Isang beses pang umalingawngaw sa utak ko. Hindi ko alam kong anong maramdaman ko pagkatapos kong marinig at malaman na she's still inlove with me. She's still have feelings for me. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Halos ilang minuto akong hindi makapagsalita dahil sa sinabe ni Amara. "K-kairus, comeback to me!." Muling sabe nito dahilan para bumalik ako sa ulirat. Napamura ako sa isipan ko ng makita kong bumagsak ang luha ni Amara habang nakatingin sa akin. "Alam kong malaki ang galit mo sa akin dahil sa nagawa ko pero trust me, hindi ko ginustong iwan ka. Hindi ko gusto ang umalis pero wala akong magawa Kairus kapag si Dad na ang