Bakit naman hindi ako magiging maayos? Inaamin ko, nabigla ako at hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito. Inaamin ko rin na hindi ako handa sa muli naming pagkikita. Hindi ako handa dahil para sa akin masyado pang maaga. "I'm okay.." bulong ko pabalik. Naningkit ang mata ni Ken habang nakatingin sa akin na para bang sinusuri niya ako kong nagsasabe ba ako ng totoo. Humahalakhak ako ng mahina at sapat na un para siya lang ang makarinig. "I'm really okay, you don't have to worry." Nakangusong sabe ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Ken bago dahan dahan tumango. Tanggap ko! Tanggap ko na naman! Tanggap ko na talagang wala akong puwang sa puso ni Kairus. Tanggap ko na talaga hindi niya ako mahal. Tanggap ko na iba talaga ang mahal niya. Matagal ko ng tinanggap sa sarili ko. Simula n