Napapikit ako ng mariin at mas lalo akong umiyak. Napuno ng iyak ang buong kwarto. Hindi ko napigilan. Para akong sumabog dahil sa matinding sakit na naramdaman ko. Malakas ang pag iyak ko dahil sa pagsabog ng emotion ko. Hindi ko na napigilan. "H-hon?." Rinig kong tawag sa akin ni Kairus bago ko naramdaman ang mainit nitong yakap sa akin. Gusto kong magpumiglas. Gusto kong tanggalin ang yakap sa akin ni Kairus. Gusto kong tanggalin ang kamay niya sa katawan ko pero masyado akong nanghihina. Hinang hina ako! "S-tel--" sa isang mabilis na pangyayare ay biglang bumalagta si Kairus sa sahig dahil sa malakas na impact na pagtama ng kamao ng kong sino. Hindi ako maka angat ng tingin kong sino un, dahil ang hina hina ko. "Nakakarami kana Alvarez, Matagal na kong nagtitimpi sayo, " Ramdam ko