"Kring!" nagising ako sa ingay ng alarm clock, nakakainis talaga bakit kase may alarm clock sa kuwarto ko.
"f**k! Ang ingay!" inis na sigaw ko at binato ang alarm. Ang ingay eh, natutulog ang tao eh? Ang aga aga. Muli akong nagtaklob ng kumot at muli sanang matutulog nang may kumatok naman sa pinto ko. Grrr... Mga storbo sa buhay ko.
"What? Speak now or else I will kill you?” inis na tanong ko. Nakaka-badtrip kase.
"Young lady, may pasok pa kayo! Bumangon na po kayo! You're breakfast is ready!" sigaw nito. Alam kong si butler iyon dahil siya lang naman laging gumising sa akin.
"Susunod na ako, maliligo lang ako!" sigaw ko at bumangon na. Pagkatapos pumunta ng cr, ginawa ang morning routine at bumaba na. Bakit kase kailangan ko pang mag-aral?
"Young lady, kumain na po kayo!" ani Butler Kin at pinaghila ako ng upuan. Umupo na ako at sinimulan ang pagkain, nakakaboring kumain mag-isa. Nang matapos akong kumain, umalis na ako at pumasok na.
___
Pagpasok ko sa gate, may nararamdaman akong kakaiba. Dahil nasanay akong palaging may bulungan na naririnig. Parang may mali ngayon sa school na ito ah? Napangisi na lang ako, baka may kakaiba silang tricks na gagawin. This is exciting! Napangiwi ako nang may lumapit sa aking babae.
"M--miss p--pasensiya na, napag-utusan lang!" ani ng babae at binato ako ng dalawang itlog. Napangisi na lang ako at hindi na ininda ang larong ginagawa nila. Akala ko exciting, eh larong pambata lang ito eh. How boring? Hanggang dumami na ang mga bumabato ng itlog sa'kin. Tch, ang boring nang ginagawa nila, kung sino man nagplano nito. Para siyang batang uguhin tch. Hinayaan ko na lang at hindi na pinansin ang mga taong kagaya nila. Kung puwede ko lang patayin ang mga tao rito, ginawa ko na.
"Lumayas ka na sa school na ito!"
"Malandi ka!"
"Slut!"
"b***h!"
Mga sigaw nila habang ginagawa nila ang pagbato sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin, dahil hindi ako ang sinasabi nilang malandi. Kahit kaylan hindi ko ginawang lumandi, hindi ko pa nga nararanasan magka-jowa mga sira-ulo ba sila?
*Shadow Pov*
Nandito na ako sa school at hindi ko alam kung nasaan ang mga ugok kong kaibigan. Nauna ako sa kanila, ang bagal kase nila. Naglakad ako sa hallway nang makita ko Konaide na binabato ng itlog at harina, ispasol ang na lagay nya ngayon pero manlang lumaban. Ang wierdo niya talaga, napaka-trouble maker pa niya. Dahil med'yo nakaramdam ulit ako nang awa sa babaeng ito, argg bakit ba ako naawa sa kaniya? My gosh!
"All of you?" sigaw ko, nanahimik naman sila at halata mong nagulat sa ginawa ko. "Go to the principal office now!" sigaw ko, nagsitakbuhan naman na silang lahat paalis. Sino ba ang may kagagawan nito? Seryoso ganitong pang-bubully ang ginagawa niya? Ang isip bata naman nang nakaisip nito. Nawala naman bigla sa paningin ko si Konaide, tch lumayas na naman. Hindi talaga siya marunong magpasalamat. Tumuloy na lang ako sa paglalakad, nang may madaanan na naman akong nagkukumpulan. Wala ba silang sawa? Nakarinig naman ako nang mga bulungan sa paligid, nakipagsiksikan naman ako sa mga estudiyante na nandito.
"Kawawa naman..."
"Sino kaya may gawa n'yan?"
"Ang sama naman nang may gawa niyan?"
"What happened?" tanong ko sa isang student, hindi kase ako makarating sa unahan sa dami ng student dito.
"Ka--se ano..." ani nito at biglang naging pula ang mukha, tch. Kinikilig pa tch.
"I'm f******g asking? Answer me!" inis na ani ko.
"May sumaksak raw sa lalaki!" sagot niya. Dali dali na akong nakipagsiksikan at pumunta sa unahan. Totoo nga ang sinasabi ng babae. Sino naman kaya ang gagawa nito? Sa school pa talaga? May mga dumating nang mga pulis at inimbistigahan ang bangkay. Ang lakas ng loob na rito magkalat ang taong gumawa nito.
Umalis na ako at pumunta na ng tambayan, wala pa rin akong balak pumasok. Tinatamad lang ako sa mga tinuturo nila.
"Pre, nabalitaan mo na ba?" tanong ni Lay. Nandito na pala ang mga ugok, hindi manlang ako sinabihan tch.
"Ang alin?"
"May sinaksak raw ah?"
"Yeah, I know." Walang gana kong sagot.
"Bakit naman kaya siya pinatay?" tanong ni Lay.
"Ang lakas ng loob nang may gawa n'on," Ani Clarnce.
"Bakit hindi niyo, tanungin 'yung bangkay." Ani Ice. Natawa ako ng bahagya sa sinagot ni Ice.
"Grabe ka naman, patay na nga eh!"
"Hindi rin kase namin alam, kung sino ang pumatay. Kaya huwag kayong tanga!" inis na ani Ice at muling nagbasa ng libro.
"Ewan ko sa'yo, Ice. Nagiging madaldal ka na, huwag ka na lang magsalita!"
"Tch..."
"Hindi ba tayo papasok?" tanong ni Clarnce.
"Wala ako sa mood!" sagot agad ni Ice.
"Oo nga pala, may laban raw mamaya. Ano Shadow? Game ba tayo?"
"Pass..." Wala akong gana, makipalaro sa mga mahihina. Gusto ko na lang matulog maghapon.
"Sayang, naman miss ko pa naman ang underground." Malungkot na Saad ni Clarnce.
"Kung gusto mo, mag-isa ka pumunta r'on!" ani Lay.
"Ayoko nga!" minsan natatawa na lang ako sa mga katangahan ng mga kaibigan ko eh. Ewan ko na lang.
Kung sino man, ang may gawa ng pagpatay kanina. Sisiguraduhin kong hahanapin kita at hindi ka na tatagal sa mundo. Ang lakas ng loob, gumawa ng kalokohan sa territory ko. Tch.
"Gusto niyo Chocolate?"
"Ayoko, masira pa ngipin ko."
"Pass rin ako!"
"Ikaw Shadow? Gusto mo?"
"No,"
"Okey! Bahala nga kayo d'yan!" ani nito.
"Hindi pa ba nasisira ngipin mo?"
"Hindi, lagi naman ako nagsisipilyo!"
"Alam mo may kuwento ako, tungkol sa laging Chocolate ang kinakain."
"Ano?"
"May lalaki raw, laging Chocolate ang kinakain tapos may fairy daw na biglang nagpakita sa lalaki. Tapos sinabi niyang parurusahan raw nito ang lalaki dahil puro na lang chocolate ang kinakain ayon naging palaka siya. Kaya kung ako sa'yo, umiwas ka na kaka-chocolate kase baka maging palaka ka rin!" kuwento ni Lay, tch puro talaga siya kalokohan tinatakot pa niya si Clarnce.
"Ano? Totoo ba? Wahh! Lay naman eh!"
"Hala ka!"
"Huhu... Ayoko na nga kumain ng chocolate!" ani Clarnce at umiyak na. Natawa naman ng malakas si Lay.
"Hoy! Ang iyakin mo! Nagbibiro lang ako eh!" ani nito at tumawa nang malakas. Napailing na lang ako at muling uminom ng alak.
"Lay! Nakakainis ka! Tinatakot mo ako!"
"Ang iyakin mo! Hahaha, tulo na uhog mo haha!"
"Ewan ko sa'yo!" ang ingay talaga nila.