Nagulat kami nang biglang tabigin ni Konaide ang kamay ni Shadow at biglang sinapak si Shadow. Halos mapanganga na lang ako sa mga nakikita ko. My gosh! Ano bang uod ang pumasok sa kukuti ng babaeng ito at ginawa niya iyon kay Shadow?
"Wow---Amazing..." bulong ni Ice.
"What the f*ck! Ang kapal ng mukha mong babae ka, para sapakin si Shadow!" sigaw ng mga babae at kumuha ng mga papel at binilog ito at binato nila si Konaide. Naawa man ako pero kasalanan naman niya.
"Ang yabang mo, para gawin sa King, namin ang ganiyang bagay!"
"Hayup kang babae ka!"
"Masyado kang nagmamatapang!"
Iyan lang ang sigaw ng mga babaeng fans ni Shadow. Good luck sa babaeng ito, sana makatagal pa siya sa school na ito.
"Not bad," ani Shadow at nagulat kaming lahat at biglang nanahimik ang paligid nang sampalin at sikmuraan ni Shadow si Konaide. My gosh! Kailangan na siyang awaitin. Ganiyan talaga siya, kahit babae hindi niya pinapaligtas.
"Mabuti nga 'yan sa'yo! Malandi ka kase!"
"Karma mo 'yan, sa pagmamatapang mo!" sigaw ng mga babae ang iba naman nagtawanan lang.
Inawat na namin ito nang muling susuntukin ni Shadow si Konaide, ang hirap sa lalaking ito. Basta sinimulan niya ang laban, talagang hindi siya titigil hangga't hindi niya ito napapabagsak o napapatay.
"Shadow, Stop it's! Babae 'yan!" sigaw ni
"Nice punch, Mr. Winstone." Aniya at ngumisi lang kay Shadow at umalis na. Ang lamig nang mga tingin niya, nakikita ko ang puot sa puso nito.
"f**k! Dumbass!" sigaw ni Shadow at umalis na. Sumunod na lang kami rito, tiyak akong hindi titigilan ni Shadow ang babaeng 'yon.
"Late na tayo, hindi pa ba tayo papasok?" tanong ni Clarnce, minsan gusto ko nang sapakin ang lalaking ito eh. Hindi maitikom ang bibig, alam niyang mainit ang ulo ngayon ni Shadow eh. Nandito kase kami ngayon sa tambayan, si Shadow naman nakahiga at nakalagay ang braso sa noo. Tahimik lang ito, kaya tahimik lang din kami.
"Manahimik ka..." bulong ko rito at sinamaan siya nang tingin. Nakahinga naman ako nang maluwag nang tumahimik ito.
"Lay..."
"What?" inis na tanong ko sinabing manahimik ang kulit talaga. Ayaw pa naman nang maingay ni Shadow kapag badtrip.
"Kase ano eh... May ano---
"Ano ba?" sigaw na tanong ko. Bigla naman akong napatakip sa bibig dahil napalakas ang boses ko.
"Montiverde!"
"Sorry!" ani ko at sinamaan ng tingin si Clarnce.
"Lay! May ipis!" sigaw nito, tapos nagtatalon.
"What the hell!" sigaw ko ng dumapo ang ipis sa akin, nagmumukha tuloy akong bakla nito eh.
"You two?" napatigil kami dahil sa galit na tawag ni Shadow. Sabi ko nga mananahimik na ako. "Get out of here! Right now! Bago pa dumilim paningin ko sa inyo!" sigaw nito. Kaya wala na kaming nagawa at lumabas na lang. Dahil sa ka-baklaan ng ugok na ito, muntikan pa akong mapahamak. Binatukan ko nga para makabawi manlang.
"A----ray ko! Bakit mo naman ginawa 'yon?"
"Nagtatanong ka pa!" ani ko. Ending pumasok na lang kami sa namin, ang boring talaga nang klase.
Nang matapos ang klase, umuwe na kami at wala rin text si boss kung may gagawin ba kami. Wala rin kaming laban ngayon kaya Malaya akong makakapangbabae.
"Pre, una na ako uuwe pa ako sa bahay eh!" ani Clarnce. Tumango na lang ako at pumunta na lang sa bar. Bar naman ito ng kuya ko kaya nakakapasok ako kahit minor pa ako.
"Lay! I love you!" sigaw ng mga babae pagpasok ko pa lang. Wala talagang tigil ang mga babaeng ito kakapapansin sa akin eh. Pero ayos lang, magaganda naman sila.
"Hi girls!" ani ko at nag-flying kiss pa ako sa mga babaeng narito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni kuya.
"Kuya naman, alam mo na 'yun!"
"Umuwe ka na at mag-aral mo na! Baka gusto mong isumbong kita kay Mommy!"
"Nah! Kuya naman! Saglit lang ako, parang hindi naman kita kapatid!"
"Geezz... Ewan ko sa'yo!" aniya at umalis na. Ako naman uminom na lang hanggang sa may lumapit sa aking magandang babae. Malaki rin ang d*d* nito.
"Hi, babe. Ang ganda mo naman!" ani ko at kinindatan ito.
"I'm Nary, matagal na kitang gusto. Hindi mo nga lang ako pinapansin sa school!" malanding ani nito at hinimas himas pa ang braso ko.
"Oh? Sorry, sa ganda mong 'yan hindi kita napansin! Ang labo pala ng mata ko!" ani ko at inilapit ang mukha ko rito. Nakita ko naman na namula ang mukha nito.
"Lay Montiverde!" natagil ako sa balak ko ng may sumigaw na isang babae.
"Bakit, Ms? May kailangan ka ba?"
"Tawag ako nang tawag sa'yo, hindi mo sinasagot! Ano nakalimutan mo na agad ako? Matapos mo akong pangakuan na ako lang! Walang hiya ka!" aniya at pinaghahampas ako. Ito ang mahirap sa mga babae eh, scandalous hindi ko talaga matandaan kung sino siya eh.
"Hey! Calm down!" ani ko.
"Buwisit ka! Isusumbong kita sa daddy ko!" sigaw nito at umalis na. Ang isip bata naman niya, pero marunong nang makipag-ano sa mga lalaki tch.
___
Clarnce Pov
I'm here at the school, at kanina pa rin ako naiinis. Ang ingay nila, habang dumadaan ako wala pa sila Shadow. Ewan ko d'on iniwan ako eh med'yo late na kase ako nagising kaya iniwan nila ako. Kaya ito kumain na lang ako ng chocolate ko.
"Kyahhh! Ang gwapo mo talaga Clarnce!"
"Akin ka na lang please! Ako na lang!"
Shit. Ang ingay nila, nakikita nilang kumakain ako eh sakit nila sa tenga tch. Habang naglalakad ako napadaan ako sa garden at natanaw kong may tao sa taas ng puno na natutulog. Umakyat ako sa puno at nakita ko si miss Konaide na natutulog, Ang ganda niya pala pagtulog? My gosh! Nakaka-inlove. Tinignan ko ito hanggang sa napadako ang paningin ko sa lips niya. Ang ganda n'ya parang ang sarap n'yang halikan, nilapit ko pa ang mukha ko rito. Hanggang sa mga 3inch na lang mahahalikan ko na s'ya nang bigla siyang nagmulat ng mata. Kaya nagulat ako at nahulog sa puno, my gosh! Ang sakit ng pwet ko, mabuti mababa lang ang punong ito.
"What?" malamig na tanong nito, napakamot naman ako sa ulo at biglang nakaramdam nang hiya.
"W---wala! Sabi ko ang ganda mo..." Ani ko at hindi na tumingin sa kaniya, mas maganda pala siya kapag gising. Kaso nakakatakot ang awra niya, mas nakakatakot pa siya kay Shadow eh.
"K." boring na sagot nito at biglang inagaw ang chocolates ko.
"What the! Ibalik mo chocolate ko!" inis na sigaw ko, ilang beses na niya akong inagawan eh. Hindi na ito umimik at iniwan ako, dahil wala na akong ibang baong Chocolate hinabol ko siya at pilit na binawe ang pagkain ko.
"Hey!" sigaw ko at nang maabutan ko ito agad akong humawak sa braso nito. Napahinto naman ito at malamig na tumingin sa akin. Gosh! Parang bigla akong nilamig.
"What?" tanong ulit nito.
"Ibalik mo chocolate ko!" inis na ani ko. Bigla naman nitong nilapit ang mukha sa akin at biglang ngumisi. Nararamdaman kong biglang uminit ang pisngi ko.
"I don't, may magagawa ka ba?" tanong nito,dahil hindi ko kaya ang tensyon sa pagitan namin agad na akong umiwas sa kaniya.
"O---key L-lang l-libre pa kita n'yan, magdadala ako nang marami bu- bukas..." nauutal na sabi ko. Gosh! Bakit ba ako nauutal?
"Tch. Psychopath!" ani nito at iniwan na ako. Hindi naman ako baliw ah? Hay! Ewan ko sa babaeng 'yon.
Pumunta na lang ako sa tambayan, at hindi ko sila nakita kaya ito nag -muni muni mo na ako sa tambayan habang wala sila.
"Hoy! Tulala ka?"
"Ay s**t! Ang ganda niya!" gulat na sigaw ko. Napahawak ako sa bibig ko, ano'ng sinasabi ko? Nakakainis kase si Lay, nangugulat siya.
"Woah! Really? Sinong maganda?" tanong nito.
"Wala!" nakakainis talaga siya.
"We--h? Wala ba talaga? Sus! I think you're in love with someone! Tama ba ako?" uminit ang pisngi ko sa pang-aasar niya.
"I'm not in love! Huwag mo nga akong asarin!" sigaw ko.
"Sus, itatanggi mo pa halata naman! Did you know you're blushing!" ani nito tapos pinagtawanan ako.
"Nah! Wala nga akong babaeng nagugustuhan!" sigaw ko at binato siya ng mga unan. Ang kulit niya, inaasar niya ako kahit wala naman talaga.
"F*ck!" sigaw ng isang dragon na malapit nang magbuga ng apoy. My gosh! Natamaan ko pala si boss ng una. s**t, lagot ako nito. Nakakaasar kase si Lay eh.
"Hehe... Sorry..." ani ko at kumamot sa ulo. Hindi naman ako nito pinansin, mabuti na lang hindi masama ang mood niya ngayon.
"Psh..." ani nito. Pumunta ito ng kusina at kumuha nang mga alak. Mukhang problemado siya.
"Bro? May problema ba?" tanong ni Lay. Hindi naman ito sumagot at sinamaan lang ng tingin si Lay.
"Sabi ko nga mananahimik na ako, at hindi na ako magtatanong..." bulong ni Lay at umupo na lang at nanahimik na.
"s**t that f*****"g girl! She's getting to my nerves!" sigaw ni boss at binato ang bote ng alak. Sinasabi ko na nga ba may problema siya eh. Ano na naman kaya ginawa sa kaniya ng babaeng 'yon? Huwag naman niya sana sagarin si Shadow dahil kilala ko ang taong ito. Baka isang araw mabalitaan ko na lang patay na ang babaeng 'yon. Sayang naman ang ganda pa namam niya.
"Relax, Chill lang Bro. Babae lang 'yan!" ani naman ni Lay. Kung tinatanong ninyo kung bakit hindi ako pumasok? Palagi naman kaming hindi pumapasok, wala lang pag hindi pumasok si Shadow hindi rin kami papasok.
"I want to kill her!" seryosong ani nito at nakikita ko rin na sobra ang gigil nito.
"Bro, calm down. " Ani ko at tinap ang balikat nito. Ganiyan 'yan si Shadow, oras na banggain mo siya. Sisiguraduhin niyang magiging misserable ang buhay mo. Ang worst pa d'on, kapag hindi siya nakuntento pinapatay niya pa. I remember, noong may babae siyang pinahirapan. Naawa nga ako r'on pero wala akong magawa dahil binangga niya si Shadow.
"Ang boring dito, papasok na lang ako." Ani Ice na sobrang tahimik na kanina pa natutulog.
"Himala? Papasok ka ba talaga? 'Di nga?" tanong ko. Inirapan lang ako nito at umalis na.
"Ikaw Lay? Hindi ka ba papasok?" tanong ko.
"No, alam mo naman tinatamad lang ako pumasok hehe.." napailing na lang ako at hindi na umimik at humiga na lang sa sofa. Ito talaga ang buhay highs school namin, walang kuwenta. Lahat nang kalokohan ginagawa namin, sabi nga nila masarap ang bawal.
"Pre, labas na lang tayo. Nauumay na ako rito sa tambayan eh!" ani Lay.
"Bahala kayo,"
"Sana may laban mamaya, gusto ko ulit maglampaso ng mga kalaban eh." ani pa ni Lay. Ang tagal na nang huli naming laban sa underground, sana nga mayroon ulit. Gusto ko talagang makalaban ang Black Dragon, mukhang mag-eenjoy ako kapag siya ang kalaban ko eh.
Natapos ang araw namin na tambay lang sa school, walang ibang ginawa. Lasing na rin si Shadow, kanina pa kase siya umiinom. Naiinis pa rin siguro siya, umuwe na ako at natulog na lang hay. Ang boring ng araw na ito.