CHAPTER 12

3048 Words

Nagising si Rima na nasa malambot na kama na siya. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya habang nasa kotse. Naramdaman din niyang may tuyong laway sa gilid ng kaniyang bibig. Kaagad niya iyong pinunasan at nahiya sa katabi niya. Masiyadong pagod kaya naman hindi niya maiwasang maglaway. Kinuha pa ni Rima ang unan niya bago inamoy. May kaunting amoy pero hindi naman sobrang baho. Lalabhan na lang niya para hindi nakakahiya. Tumingin si Rima sa katabi niya na nakatihaya at malalim ang pagtulog. Ito ang unang beses na naabutan niyang hindi pa gising ang Señor. Lagi kasi itong nauunang magising sa kaniya. Dahan-dahang dumapa si Rima bago pinagmasdan si Beid. Doon niya nagbigyan ng detalye ang mukha nito. Unang makita pa lang ni Rima sa larawan nito noong unang punta niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD