"Bakit umalis kaagad?" Takang tanong ni Rima kay Peter habang nagsisimula ng magklase si Teacher Emily. Tinatanong niya kung bakit bigla itong naglaho no'ng araw na gagamutin niya ang sugat nito. Hindi niya akalaing magkaklase sila ng taong nabangga niya. "Nagka-emergency ako kaya hindi na ako nakapagpaalam" tinatamad na sagot ni Peter. Kusot pa nito ang mata ng sinagot siya. Tumango-tango na lang si Rima at naiintindihan ang sagot nito. "Hindi ko akalaing magkikita tayo ulit" muling bukas ni Rima sa katabi. "Same. Anong huling natapos mo?" "Second year highschool? Ikaw?" "First year" lumingon ito sa kaniya. "Bakit ka may glasses? Wala ka naman niyan no'ng nagkabanggaan tayo ah?" "Gustong ipasuot ni Beid" Parang nawala ang antok nito at nangalumbaba habang nakatingin sa