Chapter Forty

1281 Words

NAGAWANG tumawid ng apoy mula sa sulo patungo sa nakalahad na mga kamay ni Lupita. Nagawa niyang ipakalat ang ningas no’n sa mga kapangyarihang lupa na pinakawalan ni Sikub na  nagsisimulang tumabon sa katawan niya. Nagliyab ang ang lupa saka natunaw at lumipat sa mga kamay niya ang nagniningas na apoy. May pagmamalaking ipinakita iyon sa espritu.      “A- anong klaseng Gumiha ka?” nanlalalaki ang mga mata na tanong ni Sikub sa kanya. Hindi ito makapaniwala sa ipinamalas niyang kapangyarihan at naroon ang pagkamangha at pagtataka sa mukha nito.      Isang pagbuntong- hininga ang ginawa niya. “Isa lang  naman akong Gumihan na kayang tapatan ang inyong mga kapangyarihan kasama sina Burna, Aerea at Hydros.”      Napailing ang ulo nito. “Imposible na ang lipi ninyo ay pagkalooban ng Eterneo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD