Trust . . It's Friday today. Tinamad lang naman ako kaya hindi na ako pumunta sa opisina. I know yesterday was shocking to everyone. Perhaps shocking to me too. I got married yesterday and we both agreed on the normal settings as what we have. Madali naman kausap si Logan at hindi naman siya mapilit. . We both agreed to this type of arrangement. Doon siya sa kanila at dito rin ako sa amin. We'll just meet whenever we want too. I laugh! Nakakaloka lang kasi ang ganito, parang mga baliw kaming dalawa. . Bumaba ako at nagtungo sa garden area, sa labas ng veranda. Drake is waiting for me. Kahapon pa siya panay ang tawag sa akin, but I just ignored it. Galit ako sa kanya! He never even discuss the details with me about Gordon Mondragon. Pakiramdam ko kasi nakiisa siya sa Lolo ni Logan.