Roses . . Parang pinagsisihan ko 'ata ang hindi pagsang ayon sa imbitasyon niya sa akin ngayon. Nakatulala akong nakaharap sa madilim na langit. Wala man lang isang bituin na makikita mo sa kawalan. Kung kailan gusto ko pa sila pagmasdan ay wala sila at nagtatago yata. . I don't know what's wrong with Carmela? Usually, she always message me at this hour. Parang ang tahimik lang ng gabi ko ngayon. Walang nang-iinis sa akin at na miss ko ang bruha. . Inubos ko lang ang chamomile tea na ininom ko. Nasa labas ako ng balkonahe ng kwarto ko. Nasa attic ng bahay namin ang kwarto ko, sadyang pinili ko talaga 'to. Ito kasi ang pinakamataas na bahagi ng buong mansion. No one can easily get in from this top. Kahit pa siguro si spiderman ay mahihirapan na akyatin 'to. . Kita kita ko naman sa