Missing
.
.
Kakaiba ang gising ko ngayon dahil parang nag alarm clock ang boung mansion. Ang malakas na katok agad ng butler namin na si Teodoro ang gumising sa akin.
.
"Señorita, Venette! Venette!"
.
I looked at the alarm clock in my bed side table, at alas sais y medya pa lang. Mabilis din naman akong bumangon at sinuot ang dressing gown ko na nakasabit sa gilid, kulay pink pa 'to. Mahina din ang hakbang ko patungo sa pintuan, na kung nasaan si Teodoro.
.
"Buongiorno Teodoro, good morning," sa mahinang bati ko.
"Señorita, Venette. Did your Papa went somewhere last night after the two of you talked?" may halong kaba at pag-aalala ang boses niya.
"Huh?" kumunot naman ang noo ko.
"Why?"
"We can't find him señorita and everything in his studio library are in so much mess."
.
Hindi ko na pinakainggan si Teodoro dahil kinakabahan na ako. Mabilis ang hakbang ko patungong library studio ni Papa. I hope it's nothing, pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon. Ang lakas ng pintig ng puso ko na parang may hindi maganda nangyaryari sa ama ko.
.
Tinali ko lang ang buhok ko, nilukot lukot ko na, bahala na! I don't usually go out from my room in the morning without fixing myself. But now, I made an exemption.
.
Bukas na ang library office niya nang pumasok kami ni Teodoro. And he was right! Nagkalat nga ang mga gamit ni Papa sa loob. Inikot ko nang tingin ang buong silid at mabilis na hinakbang ko ang pinto ng silid niya sa gilid. Naka lock pa ang pinto rito at ayaw mabuksan ito.
.
"Papa? Papa?"
I'm trying my best to twist the knob but its lock. I looked at Teodoro behind me with a horror in my face.
"Key! They key Teodoro?" inis na tugon ko.
"Sorry, señorita but I don't have the access in this area. Its private and-"
.
Hindi na niya natapos ang gusto pa niyang sabihin nang tumakbo ako pabalik sa kwarto ko. Naisip ko ang susi na binigay sa akin ni Papa kagabi. Wala na akong pakialam kung anong mukha ako meron ngayon dahil nagmamadali na ako.
.
Ang bilis ko rin lang nakaabot sa kwarto ko. I grabbed the small box from my bedside drawer table, at mabilis rin akong tumakbo pabalik sa silid ni Papa.
.
Tatlong susi ang hawak ko ngayon. And I tried the first one. It has a small diamond design in the middle and it open the door. I took a deep breath before pushing the door.
.
"Papa!"
.
Nanlaki ang mga mata nang makitang nagkalat din ang mga gamit niya rito. Bukas ang bintana niya at may bahid ng dugo pa sa sahig. Parang gumuho ang mundo ko nang makita ang bakas ng dugo sa may paanan ko.
.
"Papa! Papa!"
.
I looked around the whole area but he's nowhere to be found. Maliban nga lang sa patak ng dugo na nasa sahig ay wala ng ibang bakas pa. Halos mabingi na ako sa kaba ng dibdib ko ngayon, at napaupo na lang ako sa sahig. Hindi na ako makapag-isip ng mabuti at parang nawala na ako sa sarili.
.
"Senyorita Venette," si Teodoro.
Mangiyak ngiyak pa akong tiningala siya.
"T-teodoro call the security and alarm the whole area. . ." habol hininga'ng tugon ko.
.
I feel like my whole world collapsed right in front of me. Ang bigat sa pakiramdam at hindi ko alam kung nasaan si Papa. Mabilis na tinawagan ni Teodoro ang head security para ma-secure and buong area.
.
Papa, where are you? Nasaan ka? Nababahala ang isip at damdamin ko ngayon. Hindi rin ako makapag isip ng maayos. Tumayo ako at tinignang mabuti ang boung paligid ng kwarto niya. Sinimulan ko mula sa lamesa niya, na kong saan nakatayo siya kagabi.
.
I don't see any traces. Then I walk closer towards his table. There's nothing suspicious either. Not until, my eyes found a small button. Isang maliit na kulay ginto 'to. May litrang M na nakaukit dito. I haven't seen this type of buttons before, not even on Papa. Alam ko ang lahat ng gamit niya at sigurado akong hindi ito pag-aari ng Papa ko.
.
Lihim ko itong nilagay sa bulsa ko at maiging tiningnan pa ang buong silid. Maliban sa batones ay wala na. I even touched the blood on the floor just to check if it still fresh. Its actually not, it's like the incident happen four hours ago. Alam ko ito dahil sa bawat training ni Papa noon ay nakikinig ako.
.
Mabilis din naman dumating ang security head namin at ang iba pang tauhan niya.
.
"Señorita Venette, we can't find any traces except for blood, and the CCTv in the mansion was also cut off," si Bryton, ang head security namin.
"What the hell! Bryton!!"
.
Halos mabingi na ako sa sarili kong sigaw. I can't believe this is happening in this mansion that's full of high tech gadgets and security thing, ay napasukan pa kami ng kung sino at dinukot pa nila si Papa.
.
"Go and search everywhere, Bryton! Find my father! Wala akong pakialam kung saang banda mo siya hanapin, basta hanapin niyo ang Papa ko! Mga walangsilbi kayo!"
Halos matumba na ako sa kinatatayuan ko ngayon. Mabuti na lang at nasa likod ko si Teodoro.
"Señorita, calm down and sit down here first," alalay niya sa akin.
.
I can't understand this, wala akong maisip na kalaban ni Papa, dahil wala akong alam sa kahit ano man sa negosyo niya. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko dahil nagkalat ang luha ko ngayon sa pisngi. Naalala ko si Drake, alam kong matutulungan ako ni Drake kaya agad ko siyang tinawagan.
.
"Hello, Drake?" tawag ko sa kabilang linya.
"I need you here now. Nawawala si Papa, Drake. Please help me. . . " desparadong tugon ko.
.
.
C.M. LOUDEN/Vbomshell