I didn’t want to end things with Max since he can really be a good friend to me, pero wala akong ibang choice. I have to set things straight with him dahil ayoko rin siyang saktan in the end. He’s too precious to be hurt. Isa rin sa dahilan ay ayokong bigyan ng rason si Sull na magselos at baka magkalamat pa ang pagkakaibigan nila. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila na ilang taon din nilang binuo at pinagtibay. Napabuga ako ng hangin nang muli kong maalala ang ekspresyon ng mukha ni Max kahapon nang kausapin ko siya. Kahit na kitang-kita ko na sa mga mata niya ang lungkot ay pinilit pa rin niyang ngumiti upang siguruhin ako na ayos lang ang lahat; na wala akong dapat na ipagalala. “Anak, kailan ba kami magkikitang muli ni Pogimax?” tanong sa akin ni inay nang maghain si