Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Kilig na kilig ang pukangkang ko sa mga sinabi sa akin ni sir. Kung nakakapagsalita nga lang ang pukangkang ko ay sumigaw na ito at nagtititili. Madaling araw na yata ako nakatulog dahil napagod na ang katawan ko sa pangingisay. Kaya ngayon ay para akong zombie na naglalakad papunta sa opisina. Hikab ako nang hikab. Ramdam ko ang pagod ng katawan ko. Parang gusto ko pang matulog pero kailangan kong lumaban. Pagkarating ko sa opisina ay wala pa si sir. Nang tingnan ko ang oras ay may twenty minutes pa ako bago ang simula ng trabaho kaya umupo na muna ako sa sofa at sumandal. Maya-maya ay ipinikit ko ang mga mata ko para umidlip saglit. Nagpa-alarm lang ako five minutes earlier. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip, basta ang mahalaga