Naging busy kami buong araw dahil ang daming kailangang ayusin, lalo na’t na-move ang schedules ni sir. Sobrang sakit na ng ulo ko kakaharap sa screen at kakatawag sa mga dapat tawagan, lalo na ang mga importanteng kliyente. Mabuti na lang at tapos na ang araw at uwian na. Gusto ko nang magpahinga. Akala ko nga ay mag-o-overtime kami ng ilang oras ngayon dahil sa dami ng trabaho, pero sabi ni sir ay sa susunod na lang lalo na’t kakagaling lang namin sa business trip. “Let’s go?” aya ni sir. Tiningnan ko ang oras at alas-sais na pala. “I’ll just finish this one, sir,” sagot ko habang inaayos ang mga folder at envelope sa mesa. Tumango lang siya at umupo sa sofa para hintayin ako. Binilisan ko ang mga kilos ko dahil ayoko siyang abalahin, lalo na’t panigurado ay marami pa siyang gagawin