Kabanata 1: Ang Pagtatagpo

1897 Words
"Sinasabi ko sa inyo, hindi talaga sa laki ng titè nakasalalay ang sarap, mga beh," sambit ni Diana. "Nasa performance talaga. Napatunayan ko 'yan kagabi. Grabe, halos mabaliw ako kakahiyaw at kakaungol sa sarap," dagdag pa niya sabay tingin sa aming mga ka-opisina niya. Kinukwento niya kasi sa amin ang naging experience niya last time nang pumunta siya sa isang bar. May naka-one night stand daw siyang pogi pero mala-sili nga lang daw ang laki ng alaga. "Girl, ibang usapan na 'yong ganoon kaliit," sagot ni Stella at napailing pa. "Kalabit lang yata magagawa no'n sa hiyas mo, eh." "Sinabi mo pa, Stella. Hanggang entrance lang yata 'yon," segunda naman ni Abigail. "Baka nga puro ulo lang walang katawan," dagdag niya at nagtawanan na naman sila. "Hoy, huwag kayo. Masarap talaga siya promise. Bawing-bawi sa face value at katawan," pagtatanggol ni Diana. "At isa pa, mahaba naman ang daliri niya. Naabot naman no'n ang hindi naabot ng titè niya." "Hay nako, huwag na nga nating pag-usapan ang sèx life ng isa't isa," pag-iiba ni Stella sa usapan bago tumimgin sa akin. "Hindi makaka-relate ang isa riyan," dagdag niya at humagikhik. "Aba, sorry naman po, 'no?" sagot ko at napahawak pa sa dibdib ko. "Sorry naman kung walang panahon. Alam n'yo namang sa ating apat ako ang pinaka-busy." "Ay beh, hindi 'yan rason para hindi makudkod 'yang niyog mo," sabat ni Diana. "If there's a will, there's a way." "Tama sila, Gina. Dapat madurog na 'yang mani mo bago pa 'yan mabulok," seguna ni Abigail bago niya hawakan ang balikat ko at marahang hinagod. "Kapag nabulok 'yan, wala ng papatos diyan, sige ka." "Hala, salamat sa nakakabagbagdamdamin n'yong payo. Grabe, nakaka-touch," sarkastikong sabi ko sabay irap sa kanila. "Pero seryoso, beh, time to break free na talaga. Punitin mo na 'yang hymèn mong malapit nang mangulubot. Lalagpas na sa kalendaryo ang edad mo, oh," wika ni Diana. "Kahit huwag ka nang mag-nobyo, magpabayò ka na lang." "Diana, kung may time ako, matagal na akong natuhog," sagot ko bago tiningnan ang relo at mabilis na tumayo. "Patapos na ang break. Kailangan ko nang bumalik at baka pagalitan na naman ako ni Mr. Consunji," dagdag ko at dali-daling niligpit ang mga pinagkainan ko. "Mag-file ka nga ng leave at nang magkapanahon ka naman sa sarili mo," pahabol nila habang umaalis ako sa cafeteria. Napailing na lang ako bago saglit na inalis ang salamin at pumikit nang mariin. Ang daling sabihin sa kanila na gawin ko ang mga bagay na 'yon, pero hindi ko magawang unahin ang sarili ko dahil may pamilya akong binubuhay. Ilang beses na akong binigyan ng leave ng boss ko pero ako na ang tumanggi at humingi ng pabor na magtatrabaho na lang ako at bayaran niya na lang. Kailangang-kailangan ko kasi talaga ng pera pambayad sa gabundok na utang na iniwan sa amin ng walang kwenta kong ama. Pagkapasok ko sa opisina ay nadatnan ko ang boss ko na abala na naman sa pagpirma ng mga dokumento at iba pang papeles. Hinahanda na kasi niya ang lahat ng kailangan para sa nalalapit niyang retirement. Isa din 'yon sa dahilan kung bakit halos wala na akong time sa sarili ko. Halos tatlong buwan na kaming abala. Kung pwede lang na dito na ako sa opisina tumira kaka-overtime ay ginawa ko na. "Georgina, how's the preparation going?" tanong niya sa akin. Ako kasi ang naatasan niya na mag-asikaso sa lahat ng kakailanganin para sa retirement program niya. Venue, food, host, list of guests, lahat na. Wala naman akong reklamo dahil may incentives ako. Mas priority ko ang pera kaysa sa pahinga. "Pina-finalize ko na lang po ang guests, sir. Sa Venue naman, nakapag-schedule na rin po ako. Ang kailangan na lang asikasuhin ay ang host ng event," sagot ko. "Tapos may food tasting po para sa food next week." "Okay. Let my wife handle the food tasting. Go with her," sagot niya habang nasa mga papel lang ang tingin. Pupunta na sana ako sa mesa ko nang tawagin niya ako. "By the way, hindi muna tayo mag-o-overtime ngayon. I need to be home at 5:00 PM," sambit niya. "That means you can go home at that time, too." "Thank you po, sir," sambit ko bago pumunta sa table ko para magtrabaho na. --- "Gina, mabuti na lang talaga at nagsabi ka sa amin na early out ka today," bungad sa akin ni Stella sabay ngisi. Sinenyasan niya sina Diana at Abigail pagkatapos ay hinawakan nila ako. "May time ka pa para umawra," dagdag niya bago nila ako hinila papunta sa CR "H-Hoy, anong ginagawa n'yo?" natataranta kong sabi bago pilit na kumawala sa pagkakahawak nila. "Bitawan n'yo ako or sisigaw ako!" "Beh, sumigaw ka hangga't mamaos ka, wala kaming pake," sagot ni Diana sabay ngisi. "Hindi kami papayag na hindi ka makakagala tonight." "Hindi pwede. Kailangan kong umuwi dahil walang magsasaing sa bahay," alibi ko pero inirapan lang nila ako. "So ilang gabi nang walang kain pamilya mo?" tanong ni Abigail. "Teh, baka nakakalimutan mong ilang araw ka nang OT." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil ayoko ng gagawin nila sa akin. Hindi ito ang unang beses na ginawa nila sa akin ito. Pangatlo na 'to. At ang naunang dalawang beses ay puro palpak. "Georgina, aayusan ka lang, okay? Hindi ka kakatayin kaya kumalma ka riyan. At ano ka ba, hindi ka na vìrgin sa make-up, okay?" sambit ni Stella bago nila ako tuluyang ipinasok sa CR. "Diana, ikaw na bahala sa buhok," utos niya. "Abigail, ikaw naman sa suot niya." Mabilis na kumilos silang tatlo. Sanay naman na ako sa ginagawa nila, ang ayoko lang talaga ay ang pagpapasuot nila sa akin ng contact lenses. Sobrang sakit sa mata! Para akong mabubulag. "And it's done. Gano'n lang kabilis," nakangising sabi ni Stella at iniharap ako sa salamin. "See? Sa ganda mong 'yan, lahat titigasan. Need mo lang talagang rumampa, beh." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at masasabi ko talagang ibang-iba ako. Pero hindi naman 'yong parang grabe na transformation. Sakto lang na lumitaw 'yong ganda ko. Marami namang nanligaw sa akin dati, kaso sa sobrang busy ko, lahat umayaw na rin. 'Yong iba naman na gusto lang ng one-night stand, hindi ko pinagbigyan dahil hindi rin ako pwedeng mapuyat dahil may trabaho kinabukasan. Ako na siguro talaga ang problema. Gusto kong magkaroon ng experience; magkaroon ng boyfriend, pero wala naman akong panahon. Ubos lahat sa trabaho. At kung pagkatapos naman ng trabaho ay mas gugustuhin ko na lang matulog at magpahinga o hindi kaya'y makasama ang pamilya ko. "Teh, dapat may maikama ka ngayong gabi, ha? Sasabunutan talaga kita kapag umuwi ka na namang olats," bilin sa akin ni Abigail. "Kailangan mo nang madiligan, beh. Hindi pa nga namumukadkad ang bulaklak mo malalanta na." "Tama na ang chika. Tara na sa bar!" bibong sabat ni Diana bago ako hinawakan sa braso. "This time, sa bagong bukas na bar tayo pupunta. Malapit lang 'yon dito sa building natin." "Ay, go na tayo!" segunda ni Stella at Abigail. Hinila na nila ako palabas at wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila. Wala na rin naman akong ibang pagpipilian dahil masasayang din ang ginawa nilang pagpapaganda sa akin kung uuwi ako agad. At isa pa, parang feel ko ring gumala ngayon. Tutal nagkataon din na walang pasok bukas dahil linggo. At dahil masyado pang maaga ay minabuti muna naming magliwaliw sa mall at mag-usap ng kung anu-ano. Hanggang sa mapunta ang usapan sa opisina. "Sana 'yong susunod na CEO ng company natin ay 'yong medyo bagets pa," saad ni Diana habang sinusuklay ang mahaha at tuwid niyang buhok. "At gwapo para naman ganahan tayong pumasok araw-araw." "Gwapo rin naman si Boss Amorsolo, ha?" sabat ni Stella. "Oh my god, Stella, I didn't know you're into old men," pang-aasar ni Abigail sabay bungisngis. "Wala nang thrill sa mga matatandang lalaki. Kahit anong pagpapatigas mo, mala-gelatin na ang mga manoy nila." "Can we stop talking about sèx for once?" sabat ko sa usapan dahil kada na lang mag-usap kaming apat, puro sèx at lalaki ang pinag-uusapan. Nakakarindi na rin minsan. "Ay sorry po, Mother Georgina Patron Saint of Vìrgin Coconuts," sagot ni Stella. "Maghanap na lang tayo ng makakainan para may lakas tayong gumimik mamaya." --- "Beh, natawagan ko na si Aubrey," pagpapaalam ni Diana sa akin. "Kaya huwag ka nang mag-alala riyan. Sinabi ko na rin sa kanya na baka hindi ka makauwi ngayong gabi kaya 'pag lumagpas ang alas-tres at wala ka pa, pwede na siyang mag-lock ng pinto." "Alas tres? Akala ko ba hanggang alas-dose lang tayo rito?" angal ko. "Ay beh, hanggang alas-dose lang tayo rito kasi gogora na tayo sa hotel kasama mga boylets natin. Alangan naman sa club ka magpabayo, 'di ba?" sagot niya sabay iling. "At isa pa, feel ko ngayong gabi ka na mabibinyagan. Ramdam ko ang energy ng mga pakboi sa loob." "I don't think this is a good idea, Diana. Uwi na lang kaya ako?" sabi ko pero mabilis na may humawak sa magkabilang braso ko, at 'yon ay sina Stella at Abigail. "Uuwi ka lang kapag may kasama ka ng boylet," magkasabay na sabi nilang tatlo bago ako tuluyang hinila papasok sa bar. "Mukhang napaaga yata tayo," saad ni Stella pagkapasok namin. "Mga bagets pa ang narito." "Umupo na lang muna tayo at uminom," suhestiyon i Abigail bago ako tiningnan. "Teh, inom ka, ha? Kailangan mo yatang malasing para lang malibùgan ka, eh." "Grabe ka naman, Abigail!" angal ko at pabiro siyang inirapan. "Uuwi na lang ako." Pagkasabi na pagkasabi kong uuwi ako ay agad nila akong hinila sa isang table. Agad silang nag-order ng inumin at halos umangal ako sa presyo, buti na lang at sagot ni Stella ang inumin ko. Lumipas ang isang oras at unti-unti nang dumami ang mga tao sa bar. Umiingay na rin at nagsisimula nang mag-amoy alak at sigarilyo ang hangin. Dahil medyo marami-rami na rin ang nainom ko ay nakaramdam na ako ng tama ng alak. Nilingon ko ang mga kasama ko at nagpaalam na magbabanyo na muna ako. Pero para daw makasigurado silang hindi ako uuwi ay kinailangan ko pang iwan ang wallet at cellphone ko sa kanila. Papunta na sana ako sa banyo nang may bumangga sa akin. Dahil naka heels ako ay mabilis akong nawalan ng balanse. Napasigaw ako nang maramdaman kong babagsak na ako. Kung saan-saan napunta ang kamay ko makahanap lang ng makakapitan. At mabuti na lang ay may nahawakan ako. Pero agad na napakunot ang noo ko nang maramdaman kong kumibot-kibot ito. Pag-angat ko ng tingin ay parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa kahihiyan. "Excuse me, but, do you have any plans on getting your hands off my cròtch?" mahinahong tanong ng lalaki habang may mapaglarong ngisi sa kanyang mapupulang mga labi. Pero ang napansin ko talaga ay ang banyagang accent niya. "You're really making it mad," dagdag nito bago ko muling naramdaman ang pagkibot ng bukol na nahawakan ko. Mabilis na nag-init ang pisngi bago ko inalis ang kamay ko at napatayo nang maayos. "S-Sorry, h-hindi ko intensyon na mahawakan ang umbok mo!" tarantang sabi ko at bahagyang yumuko. Pagkatapos ay mabilis akong umalis at halos masubsob kakatakbo papunta sa banyo. Umurong na ang ihi ko, pero umaapaw naman ang kahihiyan ko. Sa lahat ng pwedeng makapitan ko, bakit umbok pa? Sana pala bumagsak na lang ako sa sahig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD