Kabanata 4: Over

1848 Words

Tiningnan ko ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko. Kahit na medyo may kalabuan ang mga mata ko dahil hindi ko dala ang salamin ko at naitapon ko na rin ang contact lenses, ay klarong-klaro ko pa rin ang gwapong mukha niya. Akala ko kalabasa ang nagpapalinaw ng paningin, pogi pala. Napakapayapa ng mukha niya, napakainosente. Hindi mo talaga aakalaing ganoon siya ka-wild sa kama. Nilapa niya nang bonggang-bongga ang bataan kagabi. Hindi lang basta isang round ang nagawa namin kundi apat. Sulit na sulit ang gabi; walang tapon. Pero bilang resulta, ramdam ko ang labis na pananákit ng aking katawan, lalong-lalo na ang ibabang parte ko. Maingat akong bumangon para hindi siya magising at impit akong napadaing nang sumakit ang pechay ko. Feeling ko namaga ito dahil sa pagbarurot niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD