Kabanata 18: Cold

2006 Words

Pabalik na kami sa port. Hindi pa sana gusto nila Sir Kirito na bumalik pero kailangan na kasing umuwi ng kasama niyang babae. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya. May taping raw kasi ito. Mabuti na rin na uuwi na kami dahil hindi ko na rin gustong manatili pa sa yate lalo na't kanina pa hindi maganda ang pakiramdam ko. Pansin ko rin ang matatalim na tingin na ipinupukol sa akin ni sir kanina. Siguro ay hindi niya nagustuhan na ibinigay ko kay Max ang personal phone number ko. "I'll see you back in the city, Georgina," nakangiting sambit ni Max. Magkatabi lang kami at nagpapahangin sa deck. "I can't promise you, Max, may work ako," sagot ko sa kanya at pilit na ngumiti. "Then see you on your free time," giit niya. "We'll see," tipid kong sagot at hindi na nagsalita pa. Ipinikit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD