Thamara LUMIPAS ang ilang araw at sa wakas ay na-discharge na rin si Zkat. Sa bahay ng mga magulang niya kami umuwi. Wala na siyang nagawa pa nang makita niya ako sa bahay nila dahil pinagsabihan siya ni Daddy Alexander Zeke pero hindi nawala ang magaspang niyang pakikitungo sa 'kin. "Zkat, nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?" tanong ko sa kaniya habang abala siya sa pagpipirma ng mga papeles na dinala ni Jenny Ahbigael dito sa bahay upang papirmahan sa kaniya. "Umalis ka nga, pwede ba?! Nakita mo nang may ginagawa ako eh!" masungit niyang sabi. Sa iilang pagkakataong ganiyan ang pakikitungo niya sa 'kin ay unti-unti akong nasasanay. Masakit, hindi ko naman maipagkakaila iyon pero kailangan ko siyang intindihin. Kung ayaw ko siyang mawala sa 'kin, kailangan kong