Prologue

1349 Words
"I'll wait for your text, baby." Dinig kong sabi ng isang babae na kalalabas lang ng aming gate. Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang nagawang iiwas ang tingin ko nang makitang hinalikan niya sa labi si Sean. It's a new girl again. Kung sabagay, kailan nga ba siya umulit ng babae? Sean showed a playful smirk. "Yeah... Just wait for it, Anne." Ngumuso naman ang babae, slightly offended. "Silly, baby! It's Kane, not Anne," malambing niyang sabi at hindi na ginawang issue ang pagkakamali ni Sean sa kanyang pangalan. He was obviously a playboy but she was shrugging that fact away. Well, I couldn't blame her for that... "Oh yeah, Kane!” Sean forced a laugh, and that sounded really awkward. “I’m sorry. My mind got so preoccupied with the things that we did earlier." Kahit hindi na bago para sa akin ang marinig ang ganoong linyahan ni Sean ay hindi ko pa rin maiwasan na maramdaman ang pagkirot ng puso ko. But compared to the pain that I felt before, it became more bearable. She giggled and softly hit Sean on his firm, muscular arms. "Am I that good, baby?" "Yeah..." He grinned and his smile became flirtatious. "Glad that I've met you earlier at the club." Ngumiti naman ang babae. "Well, me too. I'm glad that I went to that bar." she flirted back. Sean suddenly raised his arm to see his wrist watch. He acted like he's already sleepy while looking at his wrist watch but I know that he's already bored. "So, you better get going.” He flawlessly tried to push the girl away after getting what he wanted. “I need to sleep earlier. I still have work.” "Okay..." medyo bigong sabi ng babae ngunit bumawi naman sa paghalik ulit sa labi ni Sean. "See you again," she said before she finally got in the taxi that was waiting for her for a few minutes already. See you again? I knew better... That's her first and last night with Sean. Nang makaalis na ang taxi ay nakita kong pumasok na agad si Sean sa loob ng bahay. Huminga muna ako ng malalim at lumabas na sa pinagtataguang sasakyan ni Sean na nakaparada sa harap ng gate bago pumasok sa aming bahay. Pagpasok ko sa sala ay nakita kong wala siya doon. Siguro'y nandoon na siya sa kwarto. Dumiretso naman ako sa kusina pagkadaan sa may sala at nakitang nandoon pa si Manang na nag-iinit ng mga natirang ulam sa may microwave. "Oh, Sandra!" ani Manang nang mamataan akong pumasok sa kusina at kita ko ang kanyang pag-aalala. "Bakit naman ngayon ka lang? Madalas ka nang ginagabi." I timidly smiled at her. "Alam niyo naman po ang dahilan..." I trailed off asI don't want to continue any further. Kumuha ako ng baso sa may glass rack sa cabinet sa ilalim ng countertop saka ito inilapag. Napabuntong hininga siya. I know she understands me. Alam niya ang mga nangyayari sa bahay. Hindi ko na kailangang isalaysay pa. "Pero hindi ba't mas maganda pa rin kung nandito ka? Malay mo'y mapigilan mo siya kahit papaano." She tried her best to encourage me again. "Ako ang nahihirapan sa inyong dalawa..." Nagsalin ako ng tubig sa aking baso bago pagod na nilingon si Manang. "Nagawa ko na po 'yon dati, 'di ba? Wala naman pong nangyari. Walang nagbago. Everything's still the same," sabi ko bago huminga ng malalim nang maalala ang nangyari dati noong sinubukan ko siyang pigilan. "Naaalala niyo naman po siguro ang nangyari noon nung ginawa ko 'yon. Ako pa po ang napahiya, 'di ba?" Binalik ko ang tingin ko sa aking baso at tiningnan ang pagsisimulang magmoist ng baso dahil sa lamig galing sa tubig. "Tanggap ko na pong ganito ang set-up naming dalawa ni Sean." sabi ko nalang. "Nasanay na rin po ako." Ininom ko naman ang tubig. Wala akong itinirang patak. "Sandra..." sabi na lang ni Manang dahil alam niya nang wala na siyang magagawa para magbago pa ang isipan ko. Nilagay ko ang baso sa may sink bago ko siya nilingon ulit at ngumiti. "Sige po. Akyat na ko. Magpahinga na rin po kayo." "Hindi ka man lang ba muna kakain?" pahabol niyang tanong akin bago ako tuluyang makalabas ng kusina. Umiling ako at ngumiti. "Hindi na po," sagot ko at hinayaan na niya akong lumabas ng kusina. Every step that I was taking in the stairs got heavier and heavier as I got closer to our bedroom. Pinakiramdaman ko muna ang loob ng kwarto mula sa labas. It was quiet but I knew it was impossible that he was asleep already. Huminga ako ng malalim bago naglakas-loob na buksan na ang aming kwarto. Ang paglagaslas kaagad ng tubig muli sa banyo ang narinig ko. He was taking a shower. Nothing surprised me. Parang gaya lang ng dati, nagkalat ang condom sa lapag na hindi niya pa nalilinis at ang kanyang underwear at damit na nakakalat sa lapag. Our bedsheet was also a mess. Parang pinangyarihan ng isang matinding gera ang kama. Nakalawlaw pa ang comforter sa may lapag kasama ng ibang unan. I placed my bag on the coffee table inside our room, tied my hair into a messy bun, and rolled up my sleeves before I started to clean his mess like I always did. I threw the dirty clothes in the laundry basket and used condoms in the trash can. Next, I folded the comforter and also put it in the laundry basket along with the dirty clothes. Hindi ko na pinalitan ang punda ng unan ngunit pinagpag ko ito. Mabuti na lang at wala masyadong bakas sa sapin ng kama, lahat ay nasa comforter. As soon as I was done with the bed, I heard the bathroom door open. I immediately averted my gaze to him because of a reflex action, but I didn't look away. My eyes felt like it were glued to his half-naked body. Kitang-kita ko pa ang ibang butil ng tubig na kumikinang at naglalakbay sa bawat hiwa ng kanyang abs. "Quit staring at me," he rudely said when he noticed that I was staring at him. I shook my head and looked away from him, nagkukunwaring inaayos-ayos pa ang pagkakalatag ng unan sa kama. "May pupuntahan nga pala kami bukas nila Nikki. Baka mga midnight na ko makauwi," pagpapaalam ko sa kanya habang abala sa pag-aayos. "So?" He quickly reacted. "Why'd you have to tell me?" he asked, like it wasn’t an important thing. "Hmm... Nagpapaalam lang ako para malaman mo na gagabihin ako bukas at kung nasaan ako." Paminsan-minsan kasi'y tumatawag ang magulang naming dalawa dito sa bahay upang kamustahin ang kalagayan naming dalawa. He should know about my whereabouts lalo na't gagabihin talaga ako ng todo. Nikki won't let me leave earlier than ten or eleven. "Okay then," sabi na lang niya at umupo sa kama. "Magsha-shower lang ako—" "Cut it out.” He hissed at me. "I don't care kung saan ka pupunta or pumunta. You don't have to tell everything that you'll do. It doesn't even matter to me. Gawin mo ang kung ano ang gusto mong gawin. I don't care. I just really don't." Napayuko naman ako at kinagat ang aking ibabang labi. "O-Okay..." Nagmadali akong pumasok sa banyo at saka binuksan agad ang shower. Hinayaan ko lang ang pagdaloy ng tubig sa aking mukha at katawan kasabay ng pagdaloy ng luha ko sa aking pisngi. I knew that I had to accept those consequences. I was the one who put myself in that situation. Iyon ang kapalit ng kagustuhan ko. I was fine with it at first but right now, hindi ko na alam kung hanggang kailan pa ang itatagal ko. I love him so much but I also have my limits. Hirap na hirap na akong pagdikit-dikitin ang puso kong paulit-ulit na nababasag. Nakakapagod na. But what can I do, right? I love Sean Jacob Sarmiento, the man of my dreams… And I'm his secret wife, Cassandra Talavera or should I say, Cassandra Talavera-Sarmiento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD