PROLOGUE
Naglalakad ako sa tabi ng dalampasigan na alam kong walang patutunguhan. Habang isip isip ang nag iisang babaeng bumuo at nagpatibok sa puso ko.
Sa aking paglalakad ay kusa akong napahinto ng may matanaw ako sa di kalayuan.
Isang babaeng nakatalikod at nakatingin sa malayo. Naglakad ako papalapit sa kaniya upang makita rin ang kaniyang tinatanaw.
Ngunit wala akong nakita kundi ang maliwanag na buwan lamang at ang mga bituin na kumukutikutitap.
Tuluyan akong lumapit sa kanya at "A-aah M-miss?" Naiusal ko na lang.
Hindi ko alam kung bakit likod lang naman nya ang nakikita ko pero grabe ang kabog ng puso ko. May nagsasabi sakin na kalabitin sya dahil hindi sya natinag sa pagtawag ko.
Nakatingin pa rin sya sa hindi ko maaninag kung ano man iyon.
Nagulat ako ng bigla syang mag salita.
"I came here to see my dream boy. " Panimula nya. "Ang sabi nya dito kami magtagpo. Kaya nandito ako. Pero.." nahinto sya sa sasabihin nya at namalayan ko na lang na pinipigilan nyang huwag tumulo ang namumuo nang luha sa kanyang mata "Pero hindi man lang sya nagpakita." Mapait na anya
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil tulad nya ay nandito ako para tagpuin ang babaeng hindi ko pa nasilayan ng personal.