Si Shanna ay isang dalaga na inampon ng isang mayaman na matandang babae. Siya ang nag-alaga rito, at itinuring niya itong tunay na lola kahit hindi man sila magkadugo. Kahit sandali pa lang silang magkasama, napamahal na siya rito at nalungkot siya ng husto sa bigla nitong pagpanaw. Dahil sa kanyang pagkamatay, umuwi ang kaisa-isa nitong anak at siya ang ginawang guardian ng kanyang lola kahit nasa hustong gulang na siya. Ayaw man ng anak nito, wala itong naging choice at tinaggap siya dahil yon ang kagustuhan ng ina nito. Ang akala nga nito ng una, isa siyang batang paslit lamang. Pero may condition siya sa katawan kaya mukha siyang bata. Dinala siya nito sa lungsod kung saan ito nakatira kasama ang asawa nito. At nang makilala niya ang asawa nito, parang may nabuhay sa kanyang kaibuturan na matagal na niyang itinago. Ngayon, kailangan niyang tiisin ang kanyang nararamdaman para sa asawa nito na minahal niya agad sa unang pagkikita pa lamang. Ano ang kahihinatnan ng kanyang itinatagong nararamdaman para sa asawa nitong tinuturing lang siyang parang anak? Kaya niya kayang pigilan ang sarili o susundin niya ang kanyang puso at pilit niya itong aagawin?