Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko. Hanggang sa muling nagsalita ang lalaki mula sa likod ko. Hindi rin muna ako gumawa ng ano mang hakbang. “Ang lakas ng loob mong pumasok sa lugar na ito at kuhanan sila ng video. Tingin mo ba ay makakalabas ka pa ng buhay---?” Hindi ko na ito pinatapos magsalita. Dahil agad na umangat ang aking kamay papunta sa likuran ko at agad kong nahagip ang leeg nito at ubod lakas kong pinilipit ito. Balak pa sanang nito sumigaw ngunit mabilis kong natakpan ang bibig, mabuti na lang at maliksi akong napaharap dito kaya hindi ito nakalikha ng ano mang ingay. Ini-off ko muna ang video na aking hawak-hawak. Pagkatapos ay mabilis kong hinila ang lalaki papunta sa malagong damo para itago upang walang makakita rito na mga kasamahan niya. Muli akong bumalik sa da