Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko. Hanggang sa seryoso akong tumingin sa aking Ama. Mayamaya pa’y napatawa ako habang umiiling. “Mr. Silva, sa ating dalawa mas matino naman ako kaysa sa ‘yo. Sino ba ang masamang Ama? Sino ba ang masamang Asawa? At sino rin ang nananakit ng asawa at basta na lang pinabayaan ng pamilya, ‘di ba ikaw? Saka, huwag mo rin akong pagbantaan, Mr. Silva, dahil isang salita ko lang tapos ang masasayang araw mo kasama ng asawa at anak mo! At nakakatiyak akong kakamuhian ka ng asawa mo!” mariing sabi ko. Mahina lang din ang pagkakabigkas ko para walang makarinig sa mga pinagsasabi ko. Lalo namang dumilim ang mukha ng lalaki at galit na galit na tumingin sa akin. Hindi ako natatakot dito. Kahit pa sarili ko itong Ama! Hindi ko malilimutan kung papaano nito saktan