Nakita kong tatama sa akin ang latigo ngunit hindi ako umalis sa aking pwesto. Agad ko namang inangat ang aking kamay para saluhin ang dulo ng latigo. Medyo umurong din ako para maabot ko ‘yun. Nang tuluyan kong maabot ang latigo ay agad ko itong hinawakan nang mahigpit. Hindi ko talaga ito binitawan. Hanggang sa seryoso akong tumingin sa lalaki na si Mr. Ganso. Nababanaag ko rin sa mukha ng hayop na lalaki at pagkagulat dahil sa aking ginawa. Dahil sa labis na galit at pagkasuklam ko rito ay ubod lakas kong hinila ang latigo. Ngunit mabilis ko ring itinutok ang hawak kong armalite sa mga tauhan nito na balak akong barilin. Hindi ko na sila binigyan pa ng pagkakataon at talagang pinagbabaril ko na sila. Walang kahirap-hirap ding nakuha ko ang latigo mula sa kamay ni Mr. Ganso. Mabilis