Nang makuha ko ang aking telescope ko ay muli akong bumalik sa loob ng banyo. Agad kong itinutok ang telescope ko papunta sa tree house. Ngunit wala naman akong makitang tao. Baka umalis na. Ngunit hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatutok sa telescope ko sa tree house. Sino kaya ang nakatira sa bahay na ‘yan? Napahilamos na lamang ako sa aking mukha. At muling itinabi ko ang telescope ko. Naligo na lamang ako para makapunta sa lugar ng Marala. Nang matapos akong maligo ay nagmamadali akong naglagay ng damit sa aking katawan. Hinanda ko rin ang aking mga dadalhin. Subalit narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto iko. “Boss Prince, nandiyan po si Ms. Erza. May sasabihin lang daw po sa ‘yo,” anas sa akin ng kasambahay ko. Napangiti naman ako nang marinig ko ang sinabi nito. Kaya nam