Panay ang agos ng luha ko habang nakatingin sa pinto na kung saan naroon si Itay. Dahil dinig na dinig ko ang sigaw nito na parang nahihirapan. “Ahhh! Diyos ko!” narinig kong anas ng aking Itay. Balak ko pa sanang lumapit sa pinto nang pigilan ako ng mga tauhan ng Itay ko. “Umalis ka na po, Ms. Erza. Dahil ano mang oras ay magiging iba naman siya!” At talagang sapilitan akong inilabas sa lumang building ng mga lalaki. Alam kong hirap na hirap na ang Itay ko sa mga nangyayari sa kanya. Kailangan may gawin ako. Dali-dali akong sumakay ng motor at matulin ko itong pinatakbo papalayo sa lugar. Subalit punong-puno ng luha ang aking mga mata. Agad kong hininto ang motor ko sa isang gilid. Lalo at hindi ko na makita ang daan dahil sa luhang na mamalisbis sa aking mga mata. Hanggang ngayon