Nakita kong balak nilang lapitan ang mga tao, ngunit mabilis akong humarang sa kanila. Dahil hindi ako papayag na basta na lang nila na patayin ang mga tao. Dadaan muna sila sa aking bangkay bago mangyari ang balak nila! Mga hayop! “Sandali!” galit na sigaw ko sa mga lalaki. “Aba't pumapalag ka, babae? Ano lalaban ka ba sa amin? Alalahanin mo na kayang-kaya kitang patayin! Baka isang hampas ko lang sa leeg mo ay mamatay ka na ka agad at---” Ngunit hindi ko na ito pinatapos magsalita sapagkat ubod lakas kong sinuntok ang leeg nito. Nanlalaki ang mga mata ng lalaki dahil sa aking ginawa ngunit huli na dahil isa pang suntok sa lalamunan nito ang ibinigay ko. Hinawakan ko rin ang leeg ng lalaki at ubod lakas kong sinakal ang leeg nito. Ngunit hindi ko pa ito binitawan. Dahil gigil na gigi